Chapter 20: Let's act like we're inlove.

Magsimula sa umpisa
                                    

I turned and saw Nathan at the entrance.  

I rolled my eyes and ignored him. Tapos kinuha ko yung phone ko sa bag ko. Ka-text ko kasi si Destiny and Sam. Nalaman kasi ni Destiny na ikakasal ako kay handsome idiot kaya ayun, kinukulit ako. Ikwento ko daw kung ano nangyari at papakasalan ko si Nathan. Sabi ko naman sa kanya, wag ipagsabi lalo na sa mga schoolmates namin.  

1 message received.  

From: Sam :)

I opened the message with a frown. Sabi ko kasi kay Sam, text ko nalang sya mamaya.  

Hi cupcake. Labas tayo mamaya? Wait ko reply mo. ;)  

I chuckled. Maraming tawag sa akin si Sam. Nung minsan nga, tinawag akong lollipop. Ngayon naman cupcake. Ginawa akong pagkain. xD  

"Oi ugly stick." tawag ulit ni handsome idiot. "Tumatawa ka mag-isa dyan. Mukha kang baliw."  

I gave him a leave-me-alone look tapos lumabas na ako ng tent at nireplyan si Sam.  

To: Sam :)  

Sure sure. Haha. Lunch ha? See you. :*  

I pressed send then bumalik na ako sa pwesto ko. Yung naka-upo ako sa upuan tapos malapit si handsome idiot.  

"Ok ka na?" tanong nung photographer. I smiled. "Game na tayo ha?"  

I nodded tapos hinayaan ko nalang nung lumapit si Nathan. Wala na akong pakielam. Basta agad na matapos tong photoshoot na to.  

We made a lot of poses. May naka-piggy back ride ako kay handsome idiot. May buhat-buhat nya ako. May nakayakap ako sa kanya. May hinahalikan nya pisngi ko. May kinukurot ko yung pisngi nya. Marami pa. Baka umabot ako ng bukas kaka-isip nung iba pa.  

At kahit mukha kaming sweet sa mga pictures, it was just an act. Di naman alam ng iba na may pinirmahan lang kaming contract ni handsome idiot kaya kailangan daw namin magmukhang sweet. Di ko parin sya kinakausap. Ewan eh. Masama loob pa rin loob ko sa kanya eh. Ewan ko naman bakit di ko sya mapatawad. Siguro kasi naniwala ako sa kanya na matino na sya tapos dahil sa isang text, nagkatopak.  

"And, that's a wrap!" sabinung photographer.  

Waaaaaaaaaaaaa!!!!! Finally!!! Tapos na kami!! Nyanyanya. xD  

Shut Up and Marry Me! (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon