Act XIX: "Ang Sumpa ng Teatro"

531 26 20
                                    

Act XIX: "Ang Sumpa ng Teatro"

..~*+*~*+*~*+*~..

"They are not your biological parents."

Napako si Jeffre sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang mga salitang iyon mula sa bagong dating. Nais niya itong tanungin kung seryoso ba ito, ngunit alam niyang hindi ito mahilig magbiro.

... dahil ito ay si Sensei Muse.

Lumapit ito sa kanila ni Jared. Bahagya itong tumango kay Jared bago sinabing, "Please leave us for a moment."

Tumango si Jared at tinapik si Jeffre sa balikat. Noong nakaalis na ito, muling hinarap ni Sensei Muse si Jeffre.

"Sensei Muse," panimula ni Jeffre.

"You heard me the first time, so I don't think I should repeat what I said. Yes, Jeffre, Joaquin and Joanna Altamonte are not your biological parents. Nor they are Yasmin's. Also, Joaquin and Joanna Altamonte are... twins."

Kumurap si Jeffre. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang mga sinasabi ni Sensei Muse sa kanya, pero...

Pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, ang lahat ng sinasabi nito ay tila ba'y mabilis niyang pinaniwalaan.

At sa mga sandaling iyon, lahat ng pagdududa ni Jeffre tungkol sa kanilang pamilya ay nabigyang linaw.

Kaya pala...

Buong buhay nila ni Yasmin ay nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang. Minsan sa isang taon lamang nilang makita ang mga ito at pareho silang lumaki sa kanya-kayang tagapangalaga nila. At noong sumapit ang kanilang ika-apat na taon, halos hindi na nila nakikita ang kanilang mga magulang. Si Yasmin ay naging malapit sa kanyang yaya na siyang nag-alaga sa kanya mula pagkabata. At siya—si Jeffre—noon niya unang nakilala si Sensei Muse. Iyon din ang mga panahong nakilala niya ang anak nitong si James Young. At iyon din ang mga panahong naging magkaibigan sila ni Jared de Vera.

Bagama't hindi naman naging malupit ang mga magulang nila kay Yasmin, halata ni Jeffre ang naiibang pagtrato nito sa dalaga. At maging ang pagtrato ng mga ito sa kanya ay may kakaiba. At ngayong alam na niya ang totoo, hindi na niya maikakailang hindi sila nakaramdam ng pagmamahal mula sa mga ito. Oo, totoong mas maganda ang pagtrato ng mga magulang nila sa kanya, pero hindi iyon pagmamahal.

They might have treated him with pride, but it wasn't the same as love. And as for Yasmin, they might not have treated her badly, but they were indifferent to his sister.

Ngayon alam na niya kung bakit.

Hindi sila tunay na kadugo ng mga ito.

Pero hindi naman siguro iyon dahilan para hindi sila ituring na mga anak, hindi ba? At isa pa, inampon sila ng mga ito.

Sinabi niya iyon kay Sensei Muse.

Umiling ang guro. "There might be circumstances. Raising you both didn't have an assurance that they would treat you as their own."

"Kung ganoon... bakit po nila kami inampon?"

"As I said, there might be circumstances."

"Then I guess I have no choice but to talk to them."

"If that's what you think you should do," nakakibit-balikat na sabi ni Sensei Muse.

"Sensei? Paano niyo po nalaman ang tungkol dito?"

Ngumisi ang guro. "Me? Well, nothing happens in Arco Iris that go past my senses. And besides..."

"Ano po?"

Obra de Teatro (Stage Play)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon