Act XII: "Hawak-kamay"

652 41 11
                                    

Act XII: "Hawak-kamay"

..~*+*~*+*~*+*~..

Yumuko si Jared.

Malamig ang simoy ng hangin, ngunit wala nang mas lalamig pa sa aura ng pigurang nakasuot ng itim na hooded cloak.

Hindi alam ni Jared kung anong sasabihin niya. Hihingi ba siya ng tawad katulad ng nakagawian kapag nagkamali siya? Ngunit hindi niya alam kung anong pagkakamali niya sa nangyari. Wala, wala siyang kasalanan.

Ngunit para ligtas ay nagpasya siyang humingi ng paumanhin.

"Pasensiya na po sa nangyari," mahinang sabi niya.

"Bukal ba iyan sa iyong kalooban?"

Bahagyang inangat ni Jared ang ulo. "Po?"

"Humihingi ka ba ng paumanhin dahil alam mo ang pagkakamali mo o kaya ka humihingi ng paumanhin ay para ligtas?"

Napalunok si Jared. Takte, paano niya nalaman? Kung sabagay, wala naman siyang hindi nalalaman. Lahat... lahat-lahat patungkol sa kanya ay alam ng kausap.

Muling nagsalita ang may-ari ng pigura. "Naiintindihan mo ba kung anong nangyari? Kung anong kasalanan mo?"

Kasalanan? Hindi... hindi niya alam. Ano nga ba ang kasalanan niya sa nangyari? Ginawa lang naman niya ang tungkulin niya. Paano naging kasalanan iyon?

At higit sa lahat, hindi siya ang dahilan kung bakit pumalpak ang misyon.

Kaya paano siya nagkaroon ng kasalanan sa naganap?

Hindi kumibo si Jared. Mahirap na. Baka magkamali pa siya ng sagot at maparusahan lamang siya. Baka kung saang lupalop na naman siya ipatapon.

"Maaari niyo po bang sabihin sa akin kung anong pagkakamali ko nang sa gayon ay maitama ko ito?" maingat niyang tanong sa kausap.

"Malaki ka na. Nasa tamang edad at may tamang pag-iiisip para hindi malaman kung ano ang pagkakamali mo."

"Pero—"

"Alam mo naman siguro, hindi ba? Ang kaibahan mo sa lahat."

Napamura sa kanyang isipan si Jared.

Oo, alam niya. Alam na alam niya. At hindi niya alam kung gusto niya pang maalala ang kaibahan niyang iyon. Oo, isa iyong regalo, ngunit mas mukha iyong sumpa. Isang sumpa, para sa kanya. At dahil sa sumpang iyon, hindi lamang pangalan kundi pati ang kanyang pagkatao ay kailangan niyang lagyan ng maskara.

Humarap ang pigura sa kanya. Naananinag niya ang mukha nito sa tulong ng liwanag ng buwan. Nilapitan siya nito at itinayo mula sa pagkakaluhod ng isang tuhod sa damuhan.

Ngumiti ang pigura at hinaplos ang kanyang pisngi. Marahan siyang hinila ng pigura papalapit sa kanya at saka niyakap. Saglit lamang iyon noong siya'y muling binitiwan.

Naglakad ito papalayo sa kanya hanggang sa hindi na maaninag ni Jared ang bulto nito. Naiwan siyang nakatayo sa gitna ng mga puno at ilalim ng buwan habang iniisip kung kailan niya makukuha ang nararapat para sa kanya.

..~*+*~*+*~*+*~..

Napakagat ng labi si Yuri. Wala naman dapat siyang pakialam eh, pero hindi niya mapigilang mapaisip kung ano na ang nangyari kay Jared. Pag-alis nila doon sa lumang kubo, ilang beses nitong sinabi na ayos lang siya at kaya na niyang umuwing mag-isa. Hindi rin makapaniwala ang dalaga na nagawa pa siyang ihatid ni Jared sa dorm kahit na may sugat ito sa hita.

Weirdo. Kahit kailan ay weirdo talaga ang lalakeng iyon.

Inilibot ni Yuri ang mga mata sa campus, ngunit agad din siyang umiling. Ano bang ginagawa niya? Ba't niya ba hinahanap 'yung gagong iyon? Pakialam niya ba doon? Buhay pa naman siguro iyon. Masamang damo eh.

Obra de Teatro (Stage Play)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon