Chapter 10 The Ruins

11 2 0
                                    

Hindi alam kung matutuwa o malinis siya kay Vince. He's been talking about taking another course too. At kanina pa siya pinipiga nitong magkuwento.

"Ilang beses ko bang sasabihin saiyong clueless ako sa mga nangyayari? I swear, nag-shift ako dito ng maayos."

Kung hindi lang siya nag-aantay kay Nicholas ay baka iniwan na niya ang kaibigan. Dahil bukod sa sobrang kulit nito ay sobrang ingay pa.

Nang malaman nito ang Two Courses niya ay wala na itong ginawa kung hindi mag-daydream kung ano ang isa pang course na kukunin nito.

"Alam mo di ko alam kung kaibigan talaga kita? Imbes na tulungan mo kung pano ko sosolusyunan ang problem ko ay natutuwa ka pa. Totoo?"

"Kung ikaw nga di mo alam ang gagawin, ako pa kaya? I haven't been in that situation. Kaya bakit ko poproblemahin." Nababagot nitong sagot.

Clueless.

Speechless.

Mindless.

Yan ang mga salitang bagay sa kanya ngayon.

"But the best thing to do is confront your parents about this. Malay mo isa sa kanila may alam ng ginawa mo. So, they decided this." He suggested.

Mamaya ay dumating na ang hinihintay niya. Akala niya mahihirapan siyang makakalimutan problema niya. But the moment she laid her eyes on Nicholas. Biglang sumigla ang lahat.

There it goes again. Pakiramdam niya ito lang tao sa paligid. His eyes were all she could see.

Kaagad siyang nilapitan nito. "Sorry nakalimutan kong inaantay mo pala ako. Medyo napasarap kwentuhan namin nila Shawn."

Muli siyang napangiti. She never felt so happy to see someone before. Siguradong siyang ito lang nagparamdam sa kanya ng kakaibang saya.

"Ganiyan ka ba talaga ngumiti?" Wala sa loob niyang sabi.

"Bakit, pangit ba?" Bigla itong napasimangot.

"Hindi ah, nakakatuwa ka kaya ngumiti. May kakaiba lang." Bawi niya.

"Talaga? Kaya pala natulala ka noon sa gym?" Natutuwa nitong sabi.

Gym? Of course, it' their real first meeting.

"Mayabang ka talaga noh?"

"What else would I'll be? Saka I have to be confident whenever I'm with you. Kung di mo lang alam I could die here." Then held her hand and put it in his chest.

Nalunok siya nang maramdaman niya ang tibok ng puso nito. Pareho silang may baliw na puso.

Mabilis ang lahat ng pangyayari pero dahil pareho sila ng nararamdaman ay hindi na siya nakadama ng takot.

"I like it. Pareho tayo ng beat." Tangi niyang nasabi.

Natawa ito ng mahana. "Yeah, but the weird thing is I think I saw you before. And kakaiba pa roon ay di malinaw sa sakin kung totoo yun."

Napawi ang ngiti niya. "Bakit parang pareho sila na nagraramdaman? It's really weird?" Bulong niya sa sarili.

"Ganoon ba? Normal lang yan kasi maganda ako. Baka napanaginipan mo ko dati." Biro niya.

Pigil ang tawa nitong sabi. "Siguro nga."

"Siguro?" Singit ni Vince. "No wonder mafall saiyo 'tong baliw na 'to. Sinasakyan mo lagi kalokohan niya eh."

Di makapaniwala niyang nilingon ito. "Bakit nandito ka pa?"

"Of course, you two don't notice me in times like this. Sige na alis na ko." Paalam nito

First SightKde žijí příběhy. Začni objevovat