Chapter 16 The Visit

4 2 0
                                    

She had a beautiful sleep last night. Hindi siya nanaginip ng kahit anong kinatatakutan niya. Usually, she has nightmares everytime something scary happened.

Hanggang pagtulog kasi dinadala niyang ang lungkot at takot niya. Except last night. Halos wala na nga siyang maalala sa nakaraang nangyari maliban sa magkasama sila kagabi ni Nicholas.

Mabilis niyang sinilip sa sala si Nicholas. At dahil ginabi na sila ng dating sa bahay ng Auntie Rita niya ay doon na pinatulog si Nicholas.

She was disappointed to see the couch empty. Senyales nakaalis na ang binata. She sighed. She missed him already.

"Gising ka na pala, Cassandra?" Pukaw ng Auntie niya na pawis na pawis. Galing ito sa jogging.

"Good morning, Auntie." Bati niya.

Inubos muna nito ang isang baso ng tubig na hawak nito bago siyang kinausap. "Ang aga namang umalis ni Nicholas. Akala ko maabutan ko pa dito."

"May pasok siya sa part time niya, Auntie. Kaya kahit Linggo wala iyong pahinga." Kwento niya. "Sige po, maliligo lang ako." Paalam niya.

"Wait Cassey." Sabay abot ng papel sa kanya. "Bigay pala yan ni Vince."

"Pumunta siya dito?" Pagtataka niya.

"Hindi si Nicholas nagbigay niya. Copy mo raw ng exam nyo."


Nakailang ulit nang basa si Cassandra sa take home exam nila. Pero wala pa ring lumalabas sa utak niya para masagot ang mga iyon.

Isang oras na ang lumipas nang matapos siya sa pagligo. At ngayon, nakatututok siya sa pag-aaral ng mabuti.

The first part is elements in sample spaces. Like set of integers between 10 and 30 divisible by five, gender of the children if the family has three children, set of prime numbers less than 50 etc. Second part naman about series. Then last, problem solving. Ang pinaka-favorite ni Math. Like 'how many ways can a baseball manager arrange battling order of 9 players?' Meron ding 'how many different ways can 6 different books be arranged on a shelf?' Ang pinakamalupit ay iyong 7th question. It goes like this, a particular cellphone company offers 4 models of phone, each in 6 different colors and available with any one of 5 calling plans. How many combinations can be possible?

Burned! Natuyo utak niya dun. Kapag may naiisip siyang sagot may biglang dumadagdag uli sa mga sagot niya. No wonder pina-takehome iyong ng prof nila.

Naiinis niyang binato sa di kalayuan ang mga papel na hawak kaya kumalat ito sa higaan niya.

She came back to school. Hoping to make a wonderful memory before she faces the truth. The real things she should be facing.

"Hay!" Nanggigil niyang hinagis ang bag niya palayo sa kanya. At dumapa sa higaan niya.

Then a folded paper from somewhere in her bag flew.

Nagpahinto siya pagwawala. Mabilis siyang tumayo sa pagkakadapa at dinampot ang papel.

Inalala niya kung saan niya napulot ang papel na iyon. But nothing came to her mind.

Out of curiosity, she opens the paper.

"I'm warning you, Cassandra. Bring back your life to the way it is, or you won't be happy." Basa niya sa nakasulat.

Muli niyang inalala kung saan iyon nang galing. Pero wala paring sumasagi sa isip niya.

Tulala siyang bumalik sa higaan niya at binagsak niya ang sarili doon.

"Nicholas, bakit pumasok ka pa sa work mo?" Malungkot niyang tanong sa hangin.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Sep 05, 2023 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

First SightWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu