Enero 13, 2017

1.9K 21 1
                                    

Enero 13, 2017.

Twit! Twit! Twit! Sabay sa paghuni ng mga ibon sa garden na ito at sa hindi inaasahang pagkakataon tayo'y pinagtagpo.

Sa ospital kung saan ko nalaman na may sakit ako at sa ospital kung saan kita nakilala. Akala ko noon huling paguusap na natin ng makita mo kong umiiyak. Pero pinaglapit parin tayo ng tadhana.

Magkatabi ang kwarto natin sa ospital kaya unti-unti kong nalimutan ang sakit na nadarama ko. Naging malapit tayo kasi parehas tayo ng kalagayan may brain tumor ka at hindi na tinatanggap ng katawan mo ang mga gamot ako naman may leukemia.

Tanggap na natin na hindi ito magtatagal pero sinulit parin natin ang natitira nating araw. Bawat okasyon sa ospital tayo nagcecelebrate minsan sa kwarto mo minsan sa akin kasama ang buo nating pamilya pero napakasaya ko parin dahil kasama kita.

"Kaya natin to, tiwala lang" Akala ko ba kaya natin? Inunahan mo naman ako paano ako magiging matatag? Kung alam kong wala ka na. Ang sakit-sakit. Hindi ba magpapagaling pa tayo? Bakit sumuko kana. Paano ko pa kakayanin kung magisa ko na lang lumalalaban.

Malapit na naman monthsarry natin at birthday ko. Magpakita ka naman kahit sa panaginip lang, miss na miss na kita.

Lalong lumalala yung sakit ko by, nahihirapan na ko by  pero diba sabi mo maging matatag ako at kaya natin to? Kaya heto lumalaban parin ako kahit gustong-gusto ko ng sumuko.

Hihintayin ko pa monthsarry natin by, malapit na tayong magkita sabay nating icecelebrate ang birthday ko at monthsarry natin.

Mahal na mahal kita, magkikita na tayo ulit isurprise mo ko ha, wag kanang mamagpapahuli.

Nahihirapan na ko by pero ilang araw na lang, hintayin mo ko.

Kaya Natin To, Tiwala LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon