Enero 13, 2015-2016

3.4K 41 4
                                    

"Twit,Twit, Twit" Sabay sa paghuni ng mga ibon ang pagbalik ng mga alaala.

Ganitong araw din noon ng kami'y nagkakilala Enero 13, 2015. Nasa ospital ako ngayon nananakit ang dibdib dahil sa sakit na nadarama at ang aking mga mata'y hindi magsitigil sa pagluha.

"Miss okay ka lang?" ani ng isang tinig sa aking harapan.

Pagalit akong tumingin sa kanya ngunit ito'y agad na nawala ng makita ko ang ngiti sa kanyang labi habang iniaabot ang puting panyo. Isang pilit na ngiti lamang ang aking naisukli sa matamis niyang ngiti.

Tumabi siya sa akin at kami'y nagkwentuhan. At dito na nagsimula ang aming pagkakaibigan. Ito ang pinakamasaya at malungkot na araw na hindi ko malilimutan.

" Happy Monthsaryy by!!" Walong buwan na pala ang nakalilipas, ang bilis ng oras. Oo kami na, sinagot ko siya noong nakaraang buwan. Kanyang ipinadama ang pagibig na hindi ko kakayaning mawala at itinuro ang salitang "kaya natin to, tiwala lang". Kaya nga ba namin talaga? Oo, kakayanin namin para sa isa't-isa.

"Happy monthsarry din by!" ani ko sa kanya. "Saan mo gustong pumunta?" tanong niya. "Dito na lang kung saan tayo unang nagkakilala". Idinaraos namin ang aming date at mahahalagang kaganapan sa lugar kung saan kami'y unang nagkita, sa ospital.

Bagong taon na! Pero kami parin, ganyan kami katatag.

"By malapit na ang birthday mo haha" sabi ng lalaking nakayakap sa akin ngayon.

"Oo nga, sabay pa pala sa 7th monthsarry natin. Anong surprise mo?" sagot ko sa kanya.

" Kaya nga surprise by tatanungin mo naman. Pero honestly.....Wala" ani niya sa akin ng may seryosong mukha. Tumingin ako sa kanya at umirap ng bigla siyang tumawa

"haha sorry na joke lang yun"
"Basta lagi mong tatandaan maging matatag ka sa lahat ng oras dahil nasa tabi mo lang ako kahit hindi mo ko nakikita, wag mong pababayaan ang sarili mo, mahal na mahal na mahal na mahal kita" tumingin ako sa mukha niyang naka ngiti.

" Ano yan? Namamaalam kana? Masama kang damo uy, tatagal ka pa" biro ko sa kanya, naninikip na naman ang dibdib ko.

Kaarawan ko na, dito namin ginanap sa ospital. May surprise nga akong mahal ko, wala pa kasi hanggang ngayon. Ganyan siya laging late kapag "monthsarry" namin.

Dahil may surpresa pa siya na ginagawa, sa anim na buwang lumipas sanay na ko sa kanya. Kapag late siya alam ko na agad na may surpresa siya pero syempre hindi ko na sinasabi sa kanya baka kasi umiyak.

Pero matatapos na birthday ko wala parin siya. Ah! Baka magaaya na ng kasal, sobrang paghahanda.

"Krriingggg!!Krriingggg!!" nabalik ako sa aking sarili ng tumunog ang aking telepono.

"Hello" ani ko.

"Happy Birthday Ika!!" tugon sa kabilang linya. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag si Ylce pala pero bakit iba ang boses.

"Salamat. Pero sino ka? Nasaan si Ylce?"

"Mahal na mahal na mahal kita yung mga bilin ko sayo wag mong kakalimutan. Kunin mo yung kahon sa ilalim ng higaan ko"

"Huh? Sino ka ba?"

"Pinapasabi lang po ni kuyang nakausap ko kanina, iniwan niya po cellphone niya sa akin"

"Asan ka?"
" Sa may ICU po"
" Wag kang aalis dyan kuya"
"Sige po"

Dali-dali akong naglakad palabas ng aking kwarto at pumunta sa kwarto niya pero wala siya. Ano na naman bang pakulo ng lalaki na yun, papagudin pa akong maglakad.

At ng malapit na ko sa ICU nakita ko pamilya niya na umiiyak at isang lalaki na may hawak na cellphone.

Nakangiti akong lumapit sa kanila ng bigla akong yakapin ng mama ni Ylce.

"Iha si Ylce.." Hindi niya na natuloy ang kanyang sasabihin ng may lumabas na doktor sa 'ICU'. Biglang lumapit si tita at ang pamilya niya sa doktor habang umiiyak.

"Whose the family of the patient?"
"Kami po ang magulang niya" Lumapit ako sa kanila

"Im sorry pero ginawa namin ang lahat..." Nagsimula ng tumulo ang luha ko sa pagguho ng aking mundo, parang nagiisa lang ako. Napakasakit sa dibdib.

"Ate ito po yung cellphone nung lalaki" Kinuha ko ito at tumakbo ng tumakbo .

Bago magdilim ang aking paligid mukha niya na naka ngiti ang huling nakita ko.

Kaya Natin To, Tiwala LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon