You are arrested to jail called destiny and the challenge is to find your meant to be!
Balitang balita Rani Eleanor Elie nakulong. Mahanap kaya niya ang ka RED STRING niya?
A/N: Inspired by the anime movie Kimi no na wa (Your Name..)
"Kashi nge genito yonasdfghjklpouytewq" pinalo naman ni Cloe ang kamay ko "Don't talk when your mouth is full!" Saway niya.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Eh kashi kayow tongasdghjklpoiyqre---" sinamaan nila ako ng tingin at natawa ang boys. Nginuya ko ang nasa bibig ko at nilunok sabay inom ng tubig.
"Kayo tong tanong ng tanong sakin! Sinasagot ko na nga kayo!" yun yung gusto ko sabihin kanina.
"Sinabi ba namin na sumagot ka ng puno ang bibig mo? Eh hindi ka kaya namin maintindihan!" Reklamo ni Pey.
"Oo na oo na! Wait correction di ako pumasok sa booth na yun kinaladkad niyo kaya ako!...." Sinimulan ko na ang kwento at pumupuslit ng oras para isubo yung natitirang kanin at tsaka kinain ang chocolate cake. Maya maya ay kinuha ko yung fries kahit di pa ako tapos sa cake.
"Gusto niyo?" Alok ko saknila na full smile sila poker face hays. "So ayun nga..." Pinagpatuloy ko na ang kwento.
"Waaaaah bezzy! Nakaka kilig nga yung sinasabi niya! Kung ako yun di na ako papakipot bakit ba ayaw mo sabihin pangalan mo? Eh yung pangalan niya nalaman mo ba?" Intregera talaga to si Kylie eh.
"Okay lang yung ginawa ni Ran, hindi siya agad nagtiwala mamaya eh panget naman talaga yun o kaya bastos ay naku jusq okay ng maingat" hays mama Cloe bute ka pa naiintindihan ako.
"Ayaw mo nun mayabang? Alam ko ganun ang gusto ng girls hot daw tignan." Napangiwi kaming girls ng mag pose si Nial ng pogi at nag wink pa sabay taas baba ng kilay.
"Pwes ako ayoko! So ayun na nga.." Pagpapatuloy ko. Naubos ko na yung chocolate cake, kumukuha naman sila ng fries ko okay lang since medyo busog na din naman ako baka di ko din maubos.
Biglang may umakbay sakin at isang lalaki lang ang nakakagawa nun sakin si Reimart Carter "Rem saan ka galing? " tanong ko sa kanya.
"Hi par! Di ka namimigay ng fries. Dumaan kaya ako kanina sa gilid mo nung umoorder ka kaya di na kita inistorbo tsaka kasama ko sila Zach at-- " sabi niya sabay nguso. Paborito niya kasi to kaya inabot ko sakanya kumuha naman siya at ngumiti. Isa rin siya sa barkada namin. Mas close nga lang siya sakin kesa kila Kylie, Pey at Cloe natitiis ko kasi pagkaisip bata niya.
"At sino Rem?" Di na niya kasi tinuloy. Pero siya ba talaga yung dumaan sa gilid ko? Kaya ba pamilyar? O dahil iniisip ko na dumaan sakin si Kuyang nakilala ko sa booth?
"Ah hehe wala sila Zach at yung iba ko pang kagrupo sa project." Ahhh. Kala ko may iba pa siyang kasama na baka kakilala ko.
"Oh dali tuloy mo na kwento mo!" At kwinento ko na nga yung pinagsisisihan kong last part.
"Ikaw kasi pakipot ka eh! Yan tuloy. " napanguso naman si Pey. Hilig nila ngumuso napapaganun din tuloy ako.
"Okay lang yan! Siya nga daw ang red string mo diba! Ayieeeee pemepeg ebeg si Ran!" sambit naman ni Kylie.
"Ano ba kasi yung red string?" Napa-poker face naman sila sakin lahat.
"Par bakit napaka inosente mo? Red string di mo alam? Pula na string hays naku virus na talaga katangahan ngayon! Hahahahahaha." Sambit ni Rem na tawa ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin at binatukan siya ni Cloe.
"Red string is yung parang soulmate mo, destiny, forever mo, ka-meant to be ganon!" Napa tango tango naman ako sa sagot ni Kylie alam ko naman yung meant to be chuchu di ko lang alam na red string din pala tawag dun. Outdated na ba ako?
"Okay lang yan kung siya nga ang ka-red string mo magkikita pa ulit kayo!" tama si Lendel nagsasalita din pala siya? Masyado kasi siyang tahimik.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Okay lang yan par libre mo na lang ako ng fries." Kaso bigla naman nagbell kaya nagmamaktol siya at natawa ako.
"Hoy isip batang tandang tara na punta na tayo sa klase natin!" Oo mas matanda si Rem kila Nial at Lendel. Isip bata lang talaga siya.
"Byeeee par! See you!" At nag wave na siya kahit nanlulumo siya sa libreng fries at inakbayan na siya ni Nial na nagwave bye na din samin.
"Tara na girls! Mahuhuli pa tayo sa susunod na subject malayo pa naman building natin. " pag aaya ni Pey.
Biglang may tumunog, masamang tunog kaya napatingin sila lahat sakin at napangiwi.
"Cr lang ako girls hehe" tumango sila at naglakad na nagpunta naman ako sa pinakamalapit na cr sa campus.
Isasara ko na sana yung pinto ng cubicle ng biglang may narinig akong magsalita. "Takaw kasi, wag mo kasi ako masyadong iniisip. Haha" boses ng lalaki, pamilyar yun kaya napalabas ako ng cubicle di ako pwedeng magkamali siya yun.
Pagtingin ko wala namang ibang tao bukod sa iilang girls na naglalakad papunta na sa buildings nila. "Hays pati ba naman boses mo naghahallucinate na ako!" Padabog akong pumasok sa cubicle at nagjebs na.
Papasok na lang ako sa next subject ko kaysa mapagalitan ako dahil super duper late na ako, dito na lang ako sa di ma-taong lugar na patay na ang mga bulaklak pero malinis naman kahit papaano dito. Sadyang wala na lang nag alaga ng bulaklak. Minsan nga naiisipan ko na tanggalin sila at magtanim ng bago. Sa laki ng campus na to ito lang kasi ang hindi pinupuntahan bakit pupuntahan kung di maganda diba? Di naman ako anti social pero kasi okay na sakin yung mga kaibigan ko.
Umakyat ako sa pinakamababang sanga ng puno ng mangga dito. College student na ako kaya civilian ang suot namin eh naka pantalon naman ako. Minsan lang ako magdress o palda kapag natripan lang sayang kasi yung binibili ni mama.
I'm a typical student, di mayaman hindi din naman mahirap. Tama lang pede na. Hanvard University ang daming gustong makapasok dito at mapalad ako na scholar pa ako kaya di masyadong mabigat. 1 year na lang ang nalalabi kong panahon dito sa wakas malapit ko ng matupad ang mga pangarap ko, pangarap ni mama at pangarap naming magkakaibigan.
Namatay na kasi si papa. Car accident nabangga siya ng isang kaskaserong driver. Letse naiiyak tuloy ako. Namimiss ko na si Papa. Ang masaklap pa dun binayaran nila lahat para masarado ang case na yun. Mga walang kwentang tao. Hindi nabigyan ng hustisya ang Papa ko.
*sniff* "Pa I miss you." bigla kong sambit at napasandal sa puno at may kumawalang luha sakin. Kaya medyo naghirap kami ni Mama nung mawala si Papa mapalad na lang ako na nandiyan si Kuya. May bahay naman kami na sarili namin. Hindi pa nga lang namin masyadong napagawa pero may dalawang kwarto na yun hindi kalakihan at hindi na maganda ang pintura.
Nagulat ako ng may panyong sumulpot sa aking paa. "Duling mo naman mag babato ka na lang ng panyo sa paa pa!" reklamo ko. Di yun magpapakita baka secret admirer ko yun! Hahaha.
"Thankyou!" Sigaw ko pa. Pero wala naman ako nakitang tao. Sino kaya yun?