"Edi tulungan mo..." Bored kong sagot.

Yun na nga lang kasi, iistorbuhin pa ko.

"Hindi pwede... Binantaan ako ni Kit. Kapag daw nakialam ako sa kanila ni Mayo, isusumbong nya ko sa MGA girlfriend ko. Kaya sana..." Hinintay kong ituloy nya ang sasabihin nya. "...Ikaw na kumausap sa kanila."

Ako talaga?

"Parang ayoko." Mabilis kong sagot. "...Hindi ko din naman alam sasabihin sa kanila."

"Kahit anu lang... Mag-usap sila ng maayos. Yung tipong, mapaka-lalaki sila."

Napangiwi ako. Hindi bastos tong sira-ulo na to.

"Sasabihan ko sila na magpaka-lalaki?! Sa sitwasyon nila?!" Inis na tanung ko sa kanya.

Napahimas sya ng batok sabay pilit ng ngiti.

"Oo nga no? Mali pala."

Nasampal ko nalang ang sarili kong noo. Parang mas maganda nga na ako nalang yung kumausap. Mahirap kung eto'ng Eren na to yung magsasalita.

"Sige... Ako nalang kakausap."

Napapalakpak naman sya sa tuwa. Sa takot masumbong sa mga girlfriend, ako tong binulabog nya. Tsk!

Pasalamat sya, nag-aalala din ako dun sa dalawa. Ang hirap kasi ng sitwasyon nila. Pareho sila'ng hindi makakilos ng maayos.

Bumalik na kami sa room, natatanaw ko na kasi yung sunod naming teacher. Habang nagkaklase, nakikita ko si Mayo na tumitingin kay Kit pero eto nama'ng isa patay malisya.

Hay...

Natapos ang klase. Lunch na! Pero de-lata pa rin ang ulam namin. Hindi pa rin kasi nagbibigayan. Kaya hindi pa rin makabili si Eman.

"Gusto ko may sabaw..." Dinig kong bulong ni Ci-N habang tinitignan ang pagkain nya. "...Sinigang o kaya nilaga."

"Next time, baka sa weekend mag-grocery na kami ni Eman." Sabi ko.

Kasama kasi ako kapag namimili sya. Dahil pangako ko sa kanya dati para ipagluto nya tong mga to.

"Jay-jay..." Tawag ni Ci-N. "...Anu nangyari sa lakad mo?" Bulong nya sakin.

Nilapit ko yung muka ko sa kanya. "Ayos naman... Ang layo pala nung Benedict Hospital, pero ang ganda ng lugar."

"Yayamanin kasi mga naka-confine dun." Sagot nya sakin.

Nag-nod naman ako. Halata nga, muka ngang pribado yung lugar.

"Eh si Kiko? Kamusta?" Tanung ulit nya.

Inis ko sya'ng tinignan. "Kina-kamusta mo yung binanatan nyo?" Sarcastic na tanung ko.

Kamot batok naman sya habang naka-pout. "Nagtatanung lang."

"Hindi maganda yung itsura, pilay at hindi maka-kilos ng maayos."

"Ahh... Sayang..." Dinig kong bulong nya.

Anu'ng sayang?! Lukong to!

Agad ko'ng hinatak ang tenga nya. "Anu'ng sayang?!"

"Aahh... J-jay! M-masakit! Aw!"

"May binubulong ka!"

"H-hindi ganun y-yun!"

Binitawan ko sya. Mangiyak-ngiyak naman sya habang hinihimas yun at masama ang tingin sakin.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon