Sorry for typos.
Sabi nila Darating ang tao para sayo sa tamang oras at pagkakataon.
Sa tamang panahon at sitwasyon.
Pero bakit ganon?
Parang lahat at ay nauwi sa hindi inaasahan, at ang daming hadlang.
Kung kailan nasa ayos na ang lahat.
Nandito kami ngayon sa resort house ng pamila niya. Hiniling niya kasi sakin na mapanuod ang sunset ng kasama ako.
Hawak ko ang kamay niya at nakasandal ito sa aking dibdib. Mahigpit na niyayakap. Ayaw ko siyang pakawalan.
"Krystal?" Basag niya sa katahimikan. "Hmmm?"
Inilipat nito ang paningin sakin at bahagyang ngumiti.
"Tandaan mo na mahal na mahal kita" sa sinabi nyang yun, kusang tumulo ang mga luha ko. Para kasing-
"Tandaan mo na hinding-hindi magbabago yun. Ikaw at ikaw lang. Mahal na mahal na mahal na mahal kita." Tumango na lamang ako dahil di ko magawang magsalita sa sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Hindi ko kaya kasi di ako makakasagot ng maayos.
"Shhhhh". He caress his thumb on my cheek to wipe the tears that kept on falling. "Don't cry my princess," ani nito at hinalikan ang mata kong ayaw tumigil sa pagluha. Instead na mapatahan ako, mas lalo lamang akong umiyak dahil sa gesture na yun. His ways of making me stop crying. I will miss this. I will surely miss everything about us.
"N-nakakainis ka. B-bkit kasi-...." Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko. Niyakap nya na lamang ako at paulit ulit na hinalikan ang mga kamay ko.
"P-pwede bang kantahan mo ko? Please my princess I want you to sing. I want to hear your voice" .
"H-hind k-ko kaya. Hindi k-ko kaya." Sambit ko at paulit ulit na umiiling.
Naramdaman kong tumulo na rin ang luha nya. Hindi ko kayang makita syang umiiyak.
"P-please sing a-a s-song for me. Please" Nanginginig na rin ang boses nya at pinipilit na hindi umiyak. Bakit pa kasi?
Hindi ba pwedeng-?
Pero sa huli gusto ko syang pagbigyan.
"Si-sige na nga. A-ano bang gusto mong k-kantahin ko sayo?"
Ngumiti n para bang may magandang ala-ala ang biglang pumasok sa kanyang isipan.
"Kantahin mo yung safe and sound ni taylor swift" maski ako ay napangiti. He used to sing it for me whenever I feel so down and sad.
"Sure. M-makinig ka ah? Ikaw ang best fan ko. " He chuckled and rested his head again on my chest.
"Just close your eyes, the sun is going down
you'll be alright no one can hurt you now
come morning light you and I'll be safe and sound"
Natapos ko ang kanta ng tahimik lang sya.
"I love you krystal. I love you my princess. I love you more than most" bulong nito sa aking tainga sa kabila ng katahimikan.
Naramdaman kong unti unti ng bumibigay ang ulo nito at alam ko na...
Masakit mang tanggapin pero kailangan.
"I love you most. My prince"
BINABASA MO ANG
She Was Mine
Teen FictionSabi nila Darating ang tao para sayo sa tamang oras at pagkakataon. Sa tamang panahon at sitwasyon. Pero bakit ganon? Parang lahat at ay nauwi sa hindi inaasahan, at ang daming hadlang. Kung kailan nasa ayos na ang lahat --- Krystal
