Chapter Thirty-Five: Seeking Truth

213 9 2
                                    

Athena's POV:

Desidido talaga si Yuro na magimbestiga. Kami rin naman no! Nakakaloka na ang mga pangyayari at baka kapag hindi pa to naayos tuluyan na akong mabaliw.

eh matagal na akong baliw..

Shut up nga, paepal talaga minsan utak ko eh.

Kaya ngayon para kaming may conference dahil sa mga nakalatag na papel sa lamesa.

Oo, lahat sila andito sa dorm namin ni Ericka. Mga lalaki talaga, tsk tsk.

"So you mean we'll go to the Dark Kingdom?" Ian

Tumango si Yuro at tinuro ang isang lugar sa  mapa na nakalatag sa lamesa.

"Yeah. This is a portal to the Dark Kingdom. Located at the heart of Sanrian forest" Yuro

Putcha naman. Gusto ko lang namang tumulong pero bakit kailangan nilang mag-English? Kaiyak huhu.

"Ian and I will go to the Dark Kingdom, while you Joush and the girls would investigate our parents. Got it?" Yuro

Tumango lang kami. Syempre desisyon yan si Yuro eh, may magagawa pa ba kami? Charot!

Haaaay, napakaseryoso naman kasi nila. Well, sabagay di ko naman sila masisisi.

Simula talaga nung nagbago si Yuri after nung literal siya na naging frozen at nung nawala siya for 1 week lalo nang naging pipe yan si Yuro.

Awit. Patay na patay talaga kay Yuri ah oh.

Tapos si Mira? Ewan ko ba kung anong problema ng babaeng yun at gustong-gustong pinag-aaway kami.

Home wrecker lang ang peg? Charot!

"So kelan tayo mag-uumpisa?" Ericka

Ah, oo nga pala. Nagmemeeting pala kami.

Napatampal ako ng noo dahil kung saan-saan na nakarating utak ko.

Napatingin naman sila sakin dahil doon.

"Ah hehe. Bakit?" Ako

Napahilamos sa mukha si Joush-kupal. Ano na naman problema nito?!

"Hoy, umayos ka nga" Joush

Aba ang kupal binatukan pa talaga ako! Gagantihan ko na sana sya nang tumikhim si Yuro.

Napanguso nalang ako at umupo. Nakita ko naman ang pagdila ni Joush. Bwiset na to!

May araw ka rin sakin!

"Pack your things. We're leaving at midnight" Yuro

Gusto ko sanang umangal kung bakit kailangan talagang kalagitnaan ng masarap na tulog kami aalis kaso naalala ko, para kay Yuri nga pala.

Hay! Sige na nga.

Lumayas na yung tatlong itlog kaya naiwan na kami ni Ericka dito sa kwarto.

Nangalumbaba siya sa lamesa at bumuntong-hininga.

"Alam mo Athena, naguguluhan ako. All this time, itong lugar na kinalakihan natin, isa lang palang malaking kalokohan. Lumaki tayo sa paniniwalang ang Dark Queen ang masama, ang Dark Kingdom ang masama. Yun pala, tayo pala" Ericka

Ramdam kong paiyak na siya kaya kinabig ko sya at niyakap.

"Kahit naman ako no! Hindi lang halata pero sobrang disappointed talaga ako. Iniisip ko nga rin, lahat ba ng nandito ay kampon ng Dark King? Kahit ang mga magulang natin? Kahit ang hari at reyna? Kahit ang mga teachers natin?" Ako

Element School (School of Elemental Magic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon