Chapter Thirty-Seven: The Final Battle

222 9 7
                                    

A/n: Aaaaaaaah! We're finally at the last chapterr! I'm so sorry kung super tagal ng update. I almost dropped this story kung hindi lang dahil sa mga patuloy na nagbabasa nito 😭 Super thankful ako sa inyo!! Sana magustuhan niyoooo!

*********************

Third person's POV:

Nagkakagulo ang lahat. Ang kaninang tahimik at payapang kaharian ay napalitan ng tunog ng mga pagsabog, iyakan at sigawan. 

Nagmamadaling tumakbo sina Yuri, Ian at Yuro papalabas ng kastilyo para tignan ang sitwasyon.

Laking gimbal nila nang makita ang nagkalat na mga kawal na alam nilang hindi galing sa kaharian nila.

"Surprised?" nakangising tanong ng Head Master, o mas kilala bilang Dark King.

Nandilim ang paningin si Yuri dahil sa nakita. Mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamay sa sobrang galit ngunit kailangan niya itong pigilan dahil alam nyang walang magandang mangyayari kung paiiralin nya ang emosyon niya.

Samantala, tuluyan namang umusbong ang galit mula kina Yuro at Ian, ngayon ay talagang napatunayan na nila ang panlilinlang sa kanila ng kinikilala nilang Head Master.

"How dare you wreck havoc at my kingdom, Dark King" madiing sambit ni Reyna Miyuna.

Nakasuot na ito ngayon ng armor na gawa sa pinakamatibay na metal. Taas noo itong naglakad paharap. Kasunod nito ang mga kawal na nakalinya at may mga hawak na sandata.

Nagpatuloy ang mabigat na pakiramdam dahil sa paghaharap ng dalawa.

Hanggang sa isang iglap, tunog ng nagtatamang sandata na ang maririnig at iba't-ibang elemento ang makikita sa paligid.

Miyuri Aoko's POV:

Pinilit kong gumalaw nang may isang mamamayan ang muntik nang tamaan ng nagliliparang bato.

Gamit ang hawak ko na espada, hinati ko ito sa dalawa upang mabawasan ang impact.

"Magtago na po kayo sa ligtas na lugar, isama nyo na rin po ang makikita nyo sa daan. Mag-iingat po kayo" bilin ko at saka tumakbo sa direksyon ng isang alagad ng Dark King.

Mabilis kong sinalag ang espada nya gamit ang nagbabaga kong espada. I immediately kicked him on his knees and swug my sword and hit his nape with the hilt.

Hindi ko kayang pumatay dahil alam kong naloko lang din sila ng Dark King. Hindi ko kailangang mabahiran ng dugo nila dahil hindi sila ang totoong kalaban kundi ang puno't dulo ng lahat ng kaguluhan na to. Si Dark King.

Inilibot ko ang mata para hanapin kung nasaan si Dark King. Kailangan ko nang tapusin ang kahibangang to. Maraming nadadamay sa labanang ito.

Sa bawat lakad ko ay may humaharang na alagad ni Dark King kaya hindi ko maiwasang lumaban. Sunod-sunod akong nagpakawala ng fireball at pinatamaan ang mga kawal na pumalibot sa akin.

I created a ring of fire around them. It was tall enough to stop them from attacking me and small enough to trap them and stop them from using their elements.

Napatigil ako at napalingon sa paligid nang maalala si mama. Nasaan na kaya sya? Masama ang kutob ko. Kailangan ko syang hanapin.

Naaalala kong huli ko syang nakita sa may garden kaya doon ko muna sya hahanapin.

Element School (School of Elemental Magic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon