Chapter 4

34 3 0
                                    

"Diyan na lang po manong"

pinahinto na ni manong ang sasakyan at bumaba na ako.

Haist nakakainis talaga ang lalaking iyon. Iniwan ba naman ako sa daan.

Mga lalaki nga naman pagkatapos kang samahan .bigla ka nalang iiwanan

Humanda siya sa akin. Isusumbong ko talaga siya kay daddy. Hah!tama bang iwan ako? Hindi. Hindi yun tama! walang dyosang iniiwanan.dapat prinoprotektahan.Ako na nga lang ang natitirang maganda eh. Paano na lang ang next generation pag nawala na ako dito agad? Edi lahat pangit na ganon?



"Good Morning young lady"bati sa akin ni manong guard

"Good morning din po Manong. Kristina na lang po.ok?"-sabi ko sa kanya atsaka ngumiti

"Ok po ma'am"

"Manong. Kristina po"

"Ok Miss Kristina"

"Kristina lang manong"

"OK po Young lady"

Napa face palm na lang ako kay manong.hay nako ilang taon ko na bang sinabi sa kanila na kristina na lang? Ang tanda nga nila kesa sa akin eh.ngumiti na lang ako sa kanya saka pumasok.

Pagpasok ko. Nakita ko si Nanay. Aww.. namiss ko siya. Tumakbo na ako sa kanya at yinakap mula sa likod

"Nanay!Imissyou po"nagulat naman siya sa akin at humarap

"Kristina anak! Nandito ka na pala"-sabi niya saakin at yinakap din ako ng sobrang higpit

"Nay di po ako makahinga"sambit ko sa kanya

"namiss lang kasi kita anak.hehe"

binitawan niya na ako at pumunta na kami sa kwarto ko

napalapit na sa akin si nanay. baby pa ako ay siya na ang nag alaga sa akin. Busy kasi sina mommy sa opisina eh kaya siya lang ang nakakasama ko sa lahat. Pati sa mga program sa school siya ang nandyan para suportahan ako

naiintindihan ko naman sina daddy.na lahat ng ginagawa nila ay para sa aming magkapatid

2 years din ako sa France nag-aral. mahirap talaga pag malayo ka sa mga mahal mo kaya kahit na mas maganda dun ay gusto ko pa rin dito ngayon.malapit na akong mag 18 at first year college na sa opening.

"Oh anak maiwan na muna kita at may kailangan pa ako sa baba."

"Sige po nay ako na ang bahala dito"

Kinuha ko na ang iba ko pang bag kay nanay at pumasok na sa loob ng kwarto .bumungad agad sa akin ang mga stuff toys at ang pinakamamahal ko sa lahat

"Bobby namiss kita!"


tumakbo ako papuntang kama at yinakap ang aking human size na spongebob

"Namiss mo ba ako bobby? Ahh huwag kang mag-alala may pasalubong ako para sayo"

kinuha ko ang isa kong bag na naglalaman ng mga gamit para kay bobby. Ang kaniyang damit na puro kulay yellow at brush ng kaniyang balahibo pati na rin Teddy scent para mabango si Bobby katulad ko.

"Oh ayan tapos ka ng ayusan! Yehey ang gwapo ng boyfriend ko muah"

"Anak nandito na ang Daddy at Mommy mo!"

Carter High AcademyWhere stories live. Discover now