FINAL BATTLE

76 5 0
                                    

" gusto mo ba talagang makabalik?? "

" oo gusto ko.. "

" iyo ang katawan na ito, manindigan ka lang.. isipin mo ang mga taong gusto mong balikan.. Hindi man iyon matagal pero kung gusto mo ay gawin mo, masilayan lang ng sandali.. Eureka, Lahat ng bagay may kapalit.. Ang labis na kapangyarihan ay magdudulot ng kasawian... Konting panahon nalang eureka, Kamatayan kapalit ng sandaling kapangyarihan.."

Naintindihan ni eureka ang gusto nitong iparating, Ang sakit.. napakasakit niyon sa kanya, ang malaman na kaunti nalang ang natitirang oras sa kanya..

She have to fight. Kailangan matapos ang kasamaan ni leo, hindi na nya hahayaan pang may ibang buhay na sirain si leo..

" ano pang tinutunganga mo dyan eureka , patayin mo na ang walang silbi na iyan!! "

This is my body , walang ibang dapat komontrol dito kundi ako.. At kahit man lang sa huling pagkakataon ma protektahan ko sila..Cause they are my life! Ibinigay ni eureka ang buo nyang lakas..

Sinira nya ang harang , Nanindigan sya.. yun lang ang dapat nyang gawin!! Unti unting nasisira ang harang ng kulungan.

" Konti nalang!! Kahit sa huling pagkakataon... Makita ko lang sila!! Kung kamatayan man ang kahahantungan ko ay wala akong pakialam.. "

haaaaaaaaaaaaa!

" Eureka, nakikinig ka ba?? patayin mo na sya.. "

Biglang napAigtad ang eureka na panlabas.

" Anong nangyayari sayo!?? "

Nakatingin lang si riston kay eureka nagtataka din ito sa nangyayari.

" Eureka, Ano bang nangyayari sa iyo? "

Napahawak sya sa ulo nya , Pati si leo ay nagtataka narin.. kinakabahan narin sya ng nangyayari dito..

" Aaaaaahhhhhh "

Biglang napasigaw si eureka at yumuko..

Tumahimik ang buong paligid, Tanging tunog lang ng umiihip na hangin at mga dahon ng puno ang maririnig..

" Eureka.. ano bang ginagawa mo, tingnan mo nakatakas yung mga pesteng yun.. Patayin mo na ang isang yan.. "

Bulyaw ni leo. Hindi sumagot si eureka.. Nakayuko lang ito ..

" Eureka, nakikinig ka ba?? patayin mo na sya.. "

Unti unting iniangat ni eureka ang kanyang ulo..

" Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit ko papatayin ang mga inosenteng tao katulad nila?? , Hindi sila ang dapat mamatay , Ikaw .. Ikaw ang dapat mamatay leo .. "

Hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha ni leo..

Takot ang unang makikita mo dito..

" Paano ka?? Hindi ito maaari.. "

Bumalik na si eureka sa katawan nito at nakokontrol na nya ito, pero nandoon parin ang pakiramdam na para bang sa anumang oras ay mahihiwalay ulit sya dito..

Bumalik na sa dating kulay ang kaliwa nyang mata.. Pero ang kanan ay nanatili parin sa kulay nito kanina na pula..

Nanghihina parin si riston pinipigilan lang nitong wag pumikit nakasandal sya ngayon sa puno habang hawak hawak ang braso nitong nabali dahil sa pag atake sa kanya ni eureka.  She look into leo's eyes with fierce!

". People like you doesn't deserve to live , People like you deserve to die ... "

She started to attack leo.. bigla syang nawala , at lumitaw nalang bigla sa gilid nito. Tumakbo si leo palayo , ngunit nahabol sya ni eureka.. lumitaw ulit sya sa harapan nito.

" Takot ka bang mamatay leo?? "

napaatras si leo palayo kay eureka..

" Lumayo ka sa akin.. Wag kang lalapit.. "

Hindi nagpatinag si eureka.. Atras naman ng atras si leo, Hindi nya alam na nasa gilid na pala sya ng bangin..

Muntik na syang mahulog sa pag atras nito mabuti nalang at naibalanse nya ang sarili..

" umalis ka sa harapan ko, katulad ka din nila.. wala ka ring silbi.. sana hindi nalang kita binuhay."

Napangisi si eureka..

" Sana nga.. Sana hindi mo nalang ako binuhay . "

May nakapa si leo sa bulsa ng coat nya.. Ang Flute..Ngayon, susunod ka ulit sa akin.. Inilabas nya ang flute .

" Hindi ka parin ba nadadala?? "

Pinatugtug nya ito. Hahaha.. akala mo siguro eureka makakawala ka sa akin ng ganon ganon nalang. pwes nagkakamali ka..

Habang tumutugtug yong flute at naririnig ni eureka ang tunog nito. nandoon na naman yung pakiramdam na parang henihili sya. Pero hindi sya papatalo dito.

She wave her hand.

" What the.. 0______0 "

tumilapon ang flute na hawak hawak ni leo.. at nahulog ito sa bangin.

" Oras na para pagbayarin mo ang mga nagawa mong kasalanan leo. "

Patawarin nyo sana ako sa gagawin ko Riston, Michael... Pero ito nalang ang nakikita kung paraan para sa lahat ng nagawa nya.

" Pag usapan natin ito eureka.. mapapagusapan natin ang bagay katulad nito..."

" YOUR TIME IS OVER... "

biglang nahulog si leo sa bangin..

" Wagggggg "

Tumigil ang oras.. nagtataka si leo kung bakit nakakagalaw sya. alam nyang pinatigil ni eureka ang oras.

" Iligtas mo ako dito eureka.. pakiusap magbabago ako gagawin ko lahat ng iuutos mo."

" Hindi mo na kailangan gawin yan leo .. Hindi mo maibabalik ang mga buhay na nawala , mga buhay na nasira dahil sa kabaliwan mo sa kapangyarihan.."

" Pakiusap eureka.. give me a chance.. "

takot na takot ang mukha ni leo habang nakatingin sa ibaba nya..

" Sa oras mo ngayon leo. ako ang magsisilbing tagahatol mo."

At walang ano-anuy , Nagbalik sa dati ang oras..

Bumulusok pababa ng bangin si leo. Napaluhod si eureka.. Isang luha ang tumulo sa kanya.. masakit , Iyon ang nararamdaman nya ngayon.. Ngayong naalala na nya ang lahat ay inaamin nyang napakasakit sa kanya ang ginawa nyang desisyon. Napatingin sya sa gawi ni riston. Nakahandusay ito at may ngiti sa mga labi.. Alam ni eureka na masakit iyong nangyari para kay riston.. Alam din nya na inilihim ni riston sa kanya ang totoo pero ayos lang naman yun sa kanya she understand .

Paparating sa pwesto nila ang mga magulang at sina cherrel ,pasan pasan ngayon ng papa nya si michael na wala paring malay.

Nilapitan agad sya ng mama nya at niyakap sya ng mahigpit.

"Mom, dad.. "

" Baby, are you okay?? anong nangyari sa mga mata mo?? "

Isang ngiti lang ang ginanti nya.

" Mom, Can I rest?? "

" Oo naman anak.. "

She slowly close her eyes..

Pakiusap wag muna..

Kunting panahon pa para makasama ko sila..

Kahit konting oras lang , Pakiusap..

A/N: EPILOGUE napo ang kasunod nito... Sana magustuhan nyo... Hope I'll be Seeing some Reactions and your feels about my story in the comment boxxxxxx... XoXo

PROJECT EUREKAWhere stories live. Discover now