CHAPTER 16

131 7 0
                                    


CHAPTER 16

3rd person POV

" oh my god cherrel... anong nangyari sayo?? "-deserry

nakahandusay ngayon sa lupa si cherrel , nahimatay sya dahil sa nangyari nadaplisan kasi sya ng isang matulis na bagay na hanggang ngayon hindi pa alam kung saan nanggaling.. may phobia si cherrel sa dugo...

" what happened?? "

tanong ni eureka kina riston

" May biglang kasing tumama na kung ano sa braso nya , "

mababakas mo sa kanilang mga mukha ang pag aalala lalong lalo na ang mga magulang nya..

" cherrel anak ko, dalhin nyo sya sa loob bilis.. "

dali dali nila itong pinasok ang iba naman umuwi na natatakot na baka mangyari din sa kanila ang nangyari kay cherrel..

May kutob si eureka na iisa lang ang may gawa nito .. yun ay ang tumawag sa kanya kanina!! bigla nalang nawala ang presensya nito, sumama narin sya sa mga tao na pumasok sa bahay..

" ano ba talagang nangyari?? "

galit na tanong ng ama ni cherrel mahimbing na natutulog si cherrel sa kwarto nito kasama ang kanyang ina..

" T-tito hindi rin po namin alam.. n-nakatayo lang si c-cherrel sa harapan namin tapos bigla nalang may tumamA sa kanyang matulis na bagay.. "

halos pa utal utal na sabi ni deserry sa ama ni cherrel.. Nakatayo lang si eureka sa tabi ng bintana habang pinapanood sila na magsabi ng kung anong huli nilang nakita o kung may narinig ba sila.. dating detective ang ama ni cherrel kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganun nalang sya kung magtanong..

"EUREKA.."

napalinga si eureka sa paligid , nandoon na naman ang boses.. pati yung presensya ng taong yun ay nararamdaman rin nya..

" PSST.. eureka.. "

parang napakalapit ng boses na yun.. napatingin sya sa labas ng bintana, at hindi nga sya nagkakamali may naaninag syang anino sa di kalayuan. pero agad din itong nawala.. hindi na sya nag aksaya pa ng panahon dali dali syang pumunta sa pintuan..

" Saan ka pupunta eureka?? "

" Riston.. "

" delikado sa labas baka may mangyaring masama sayo doon.. "

may nakikita syang kakaiba sa mga titig sa kanya ni riston sa mga nagdaang araw na wari'y hindi nya maiintindihan..

" May kukunin lang ako.. "

" Pero eureka.. "

" hindi mo kailangang mag alala.. walang mangyayaring masama sa akin.. "

hindi na nakapagsalita pa si riston, agad na lumabas ng bahay si euri at pumunta sa garden..

" Eureka.. "

" Nasaan ka?? "

" Eureka.. "

may nararamdaman si eureka na papalapit sa kanya kaya bago pa ito tumama sa kanya ay nakailag na sya..

" Magaling, ang bilis ng reflexes at ang lakas ng pakiramdam mo.. "

" Sino ka ba ?? magpakita ka sa akin.. "

Isang anino ang biglang naaninag ni eureka sa likod ng mga halaman..

" Lumabas ka dyan.. "

Sigaw nya dito.. Unti unting naaninag ni euri ang mukha nito mula sa kadiliman..

" Magandang gabi sayo eureka.. Patawad kung nakigulo ako sa party nyo.."

" IKAW? "

PROJECT EUREKAOnde as histórias ganham vida. Descobre agora