CHAPTER 19

125 7 0
                                    

CHAPTER 19

EURI'S POV

Nakarating na ako sa bahay mukhang tulog na sina mama kaya minabuti kung dumaan na sa balkonahe ng kwarto ko bakA pag nakita ako nila mama Ay magtanong pa sila kung bakit ganito ang itsura ko ..

Naghilom na yung mga sugat na natamo ko kanina sa labanan.. Agad akong kumuha ng damit sa closet at pumunta sa banyo para maligo kailangan ko ngayon ang maligamgam na tubig ... Nakapikit ako habang iniisip ang nangyari kanina, Sino ba ang tinutukoy ni scarlet? Sino ang ama nya?? may alam kaya si mr. gregg sa mga iyon??

At kanina.. nakita nya ba talaga ako doon sa taas ng puno?? Hindi ko ito makayanan gusto kong masagot lahat ng katanungan ko... Bakit ngayon pa sila nagsilabasan , dahil ba sa malapit na akong maperpekto?? Inilubog ko ang sarili ko sa bathtab , gusto ko maging mapayapa muna ang pag iisip ko.

After 30 mins. ay umahon na ako sa tubig, dumiretso ako sa shower at pagkatapos ay nagbihis ako ng pantulog.. Ganoon ba talaga ako ka espesyal sa kanila?? Naitanong ko sa aking sarili bago tuluyang pumikit ang aking mga mata..

*** School ***

"E-euri, pwede ka bang m-mautusan?? "

tanong sa akin ni alexa , isang kaklase ko.. naghahanda kasi kami ngayon para sa gaganapin na fieldtrip ng mga senior ngayong darating na linggo..

medyo nahihiya pa syang magtanong sa akin.. naggupit lang naman ako ng mga papel kaya wala namang problema kung utusan nila ako..

" Sige.. ano ba yun?? "

parang kumislap ang kanyang mga mata dahil sa tuwa..

" ohmy, thank you euri at pumayag ka.. ito oh "

Iniabot nya sa akin ang isang papel na naglalaman ng mga kailangang bilhin..

" Don't worry , kasama mo si deserry na bumili.. "

matapos nyang sabihin yun ay bigla nalang pumasok si deserry na nakapamaywang..

" Sino ba ang kasama kong mamimili? pwede namang ako lang ih.. "

" deserry naman , alam naman natin na pag nakapasok sa isang mall ay ayaw mo ng lumabas baka maulit na naman yung nangyari noon dahil sa matagal kang nakabalik ayun pagdating mo dito tapos na kami.. Nasayang lang yung pinamili mo.."

Si alexa ang president , habang si deserry naman ang business manager..

" Yeah, whatever.. so sino nga ang kasama ko?? "

" sya.. "

sabay turo sa akin ni alexa..

"What???????? "

napatigil lahat ng nandito sa loob dahil sa pagsigaw ni deserry..

" No way, hindi pwede.. hindi ako papayag.."

"Sya lang ang pwede deserry.. kaya wala ka ng magagawa"

" i said no.. "

Nakatingin lang ako sa kanya habang sya naman ay para ng sasabog sa galit.. Naging seryoso naman ang mukha ni alexa..

" Deserry, hindi ka pwedeng umayaw o pumalpak ngayon.. this is your last chance deserry remember ako ang president dito so sa ayaw at sa gusto mo si eureka ang magiging kasama mo or else aalisin kita sa pwesto mo.. "

Kayang ipaalis ng president ang isang officer sa pwesto nito kung nakikita nyang hindi nito kayang gampanan ang tungkuling nakaatas sa kanya..

When you're an officer you have the right to rule the classroom.. kaya naman mahalaga ang bagay na yun kay deserry.. Naikuyom nya ang kanyang mga kamay at hindi na nagsalita , nagsimula na syang maglakad paalis.. pero bigla syang lumingon..

" Hoy, eureka.. Sasama ka ba o hindi?? at wag mong iwawala yang listahan mas mahalaga pa yan kaysa sa buhay mo.."

Napailing nalang si eureka at sumunod kay deserry..

PROJECT EUREKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon