3

2K 9 1
                                    

[BACK TO REALITY...]

"ikaw Thom ilang pelikula na ba ang nadirek mo?" tanong ni Meg. 

"siguro mga apat na o lima. Puro love stories" sagot ni Thom. 

Biruin mo si Thom ang laging walang Girlfriend noong high school kami, pero tignan niyo naman ngayon, Direktor na ng mga Romantic Movies. 

"Tara laro tayong spin the bottle" sabi ni Troy. 

"sige tara tara! Walang Kj ha!" sabi ni Stephen. 

Inikot ni Troy ang bote, tumapat it okay Dave. 

"truth or dare?" 

"dare" 

"sige sabihan mo nga si Meg ng mahal kita, pero dapat yung sweet ha, ung tipong lalanggamin kami dito.!" 

"ehem, ehem, ehem...Meg (sabay hawak sa kamay ni Meg, tinignan niya ito sa mata) mahal na mahal kita!!!"sabi ni Dave. 

"tse, tigilan niyo nga ko". Angal ni Meg. 

"kaw talaga pakipot ka pa, if I know kinilig kadin.." asar ni Alice kay Meg. 

Next... tumapat ang bote kay Mike..."okay Mike, kailangan ikulong kayo ni Jerzy sa isang kwarto ng kayong dalawa lang for 3 hours."

" aba parang dapat ata pinapili niyo muna ako kung truth or dare." Angal ni Mike. 

"wag nang umangal" sabi ni Stephen. 

"hoy bakit nasali ako diyan?" tanong ko. 

"isa ka pa, halina kayo..." 

hinatak na lang nila kami ni mike at itinapon sa isang kwarto na kaming dalawa lang ni Mike. 

Ay take note kinandado nila ung pintuan. Wala na kaming nagawa...

 "see you tomorrow" sabi ni Troy. 

"hoy anong tomorrow ka dyan?sabi niyo 3 hours lang ah!!!" angal ko. 

"Teka bakit ako lang umaangal dito? ... bakit ang tahimik?" sa isip isip ko.


"Mike, nandiyan ka pa?" tanong ko. Nasa magkabilang side kami ng kama.

"oo naman!" sagot niya.

"ang kulit talaga nila noh, bakit kaya nila naisipan ito?" tanong ko kay Mike.

"oo nga eh, ok lang ba sayo?"

"ok lang, ikaw naman kasama ko, kesa naman ibang tao, diba?"

"ganun?"

"yup, bakit ayaw mo ba?"

"hindi naman"

"e kung papapiliin ka sinong pipiliin mo?"

"pipiliin na ano? Makakasama dito sa kwarto?"

"ahh...siguro si Meg"

"[ouch] parang gusto kong sumabog" bulong ko sa sarili ko.

"o pwede rin si Christina"sabi ni Mike.

"Ah ok...[biglang lumungkot ang aking boses]".

Kumuha ako ng unan at binaon ko ang aking ulo. Ilang minutong walangnagsasalita... 

Sa isip isip ko parang may papalapit sa akin.     

Nang lumubog ang arawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon