Chapter 27: Pick-up Lines

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pano naman iyon?" tanong ko kay Pao

"Birthday ko na next week..Mag outing tayo..Isama natin sila..Pumunta tayo sa resthouse namin.."

Birthday niya? saglit lang..

Nakalimutan ko ba?

T___T

O hindi ko lang talaga natanong sa kanya? 

"Birthday mo babe? I'm sorry babe hindi ko man lang alam,.."

"It's okay babe..Ngayon alam mo na huwag mo kalimutan kundi magtatampo talaga ako"

"Syempre naman..:* "

YUMI's POV

Kumakain kami ngaon ni Kurt..

Bakas na bakas parin sa mukha niya hanggang ngayon na hindi pa siya nakakarecover sa ginawa niya sakin..

>___<

Tumatawa pa kasi..

Ako naman concentrate sa pagkain kahit hindi naman talaga ako nakapag concentrate..

"Siya nga pala Yumi.." sabi niya bigla

"Ano? -__-"

"Narinig ko maysakit daw si Paolo? Gusto mo puntahan natin? dalawin nadin natin Daddy mo..Matagal ka nang hindi dumadalaw.."

"Talaga?" sumigla bigla iyong mukha ko..

“talaga..Aalis na tayo pagkatapos nating kumain.."

Binilisan ko na ang pagkain..ahhaha

Ako na din ang presentang maghugas ng pinggan para makaalis na kami..

Pagkatapos kong maghugas eh umalis na din kami..

Nasa kotse na kami ngayon papuntang ospital..

"Yumi pwede ba magtanong?"

Sabi ni Kurt..kinabahan naman ako bigla..

Ang seryoso kasi ng mukha niya..

Iyong tipong baka pag nagtanong na siya hindi mo malalaman kung anong isasagot mo?

"Ano naman iyong tanong mo?" 

Gusto ko din malaman kung ano ang tanong niya eh..hahah..malabo ba?

"May kakambal ka ba?"

O.o

ako?

may kakambal?

sa pagkakaalam ko wala naman..

"Wala naman..Bakit mo naman naitanong?" sabi ko sa kanya

"Kasi you're in my heart na yet you're in my mind pa..hahahaha"

Wagas talaga ang tawa niya..

hahahaha

ako din naman tumawa..ano kasi..ang CORNY! hahahaha

"Yumi camera ka ba?" 

oh pangalawa na iyan..

banat parin ba?

"Bakit?"

"Kasi tuwing nakikita kita napapangiti ako.."

hahahaha..corny noh? hahahaha

"Yumi.." sabi na naman niya

"Ano na naman?"

"Itutuwid ko na ang landas mo..Para sakin ka na dederetso..ahahha"

Hala..anong nakain ng lalaking ito? hahaha

Hindi na lang ako nagsalita..Baka kasi hindi na tumigil eh..hahah

Pero sa loob loob ko..natuwa naman ako..haha

"Yumi google ka ba?"

Hindi na talaga ako sumagot ng bakit..Hindi na titigil iyan..

Parang sirang plaka lang

"Tinatanong mo ba kung bakit? kasi lahat ng hinahanap ko nasa sa'yo na.."

Sira ulo talaga itong si Kurt noh? hahaha..nagsasalita mag-isa?

Pero tingin ko ako din eh..haha..kasi natatawa na talaga ako pinipigilan ko lang :))

"Oh andito na tayo.." sabi niya

Sa wakas naman at andito na kami..hahaha..

Titigil na iyang si Kurt..

Tinanong namin sa information center iyong room number ni Paolo..

"Surprise!!!'

Sabi ko sa kanila..

haha..nagulat nga sila.. Wagas ang mga ito..hahaha

Sorry sa distorbo guys..nyaahahah

"Pare kumusta ka na? Ano bang nangyari sayo?" tanong ni Kurt sa kanya..

"Lagnat lang naman pre..Si Mommy lang kasi OA masyado..Napadaan kayo?"

"Bisita lang..Wala din namang magawa sa bahay ehh.." 

"Siyanga pala next week na birthday ko..Huwag kayo mawawala ni Yumi..."

"Oo naman.."

Kami ni Jane nakaupo lang sa couch at nag-uusap..

"Kumusta na kayo ni Kurt?" tanong niya bigla

"Okay lang naman..walang pagbabago..Iyon parin.."

"Sigurado ka ba?" 

"Sigurado kaya.."

"Pare may tanong lang ako sayo.." sabi bigla ni Paolo..

"O ano?"

"Ano bang meron sa'yo na wala si Gab?"

O.o

Nabigla ako bigla sa tanong ni Paolo..Bakit naman nasali si Gab sa usapan..

Tiningnan ko si Kurt..

"Alam ko pare na lamang talaga si Gab sakin..Aminado ako don..Isa lang naman ang meron ako na wala siya..Si Yumi.."

Napakaseryoso ng mukha niya..pero si Jane at Paolo tumatawa na..

Akala ko talaga tapos na itong si Kurt sa mga kalokohan niya..

"Jane pwede ba magtanong?" sabi ni Kurt

"Ano naman iyon Kurt?"

"Tao ba kami ni Yumi?"

Ha? Anong klaseng tanong iyan..Syempre oo.." sagot ni Jane..

hahaha..Buti naman at hindi sumagot si Jane ng bakit..haha

"Talaga? Tao kami? Alam ko kasi eh BAGAY kami.."

Tapos tumawa silang tatlo..

>>>>>_<<<<<

Pwede na ba umalis? haha..Nakakahiya na kasi itong si Kurt..

Nagkwentuhan pa kami..tapos binisita na namin si Dad..

Namiss ko talaga si Dad ng sobra..Lately kasi hindi ko na siya nabibisita..Sobrang busy na kasi..

T__T

Don't worry Dad babawi talaga ako..

  

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon