Wizard's Tale 3: Chapter 14

129K 4.3K 1.4K
                                    


(Brylle POV)


"Kainis!" Napasuntok ako sa pader na sinasandalan ko kanina. "Parusa 'to eh. Parusa 'to sa katangahan ko!"

Ngayon ako naman ang hindi maalala ni Yana! Damn it! Miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang mayakap. Gusto ko siyang makausap! Mababaliw na yata ako! I want to apologize for everything and make it up to her but now I can't! Now that she thinks I'm a stranger. Sa sobrang inis ko, hinablot ko 'yung halaman sa may gilid at saka sinunog sa mga kamay ko.

"Sigurado ka bang nakalaya ka na sa sumpa ng mga Hollowick? Pati ang walang kamuwang-muwang na halaman, pinakialaman at sinunog mo."

Anak ng! Sa dami ng pwedeng makakita saakin, si Master Lorcan pa! "Pa—pasensya na po kayo. Kailangan ko lang ilabas ang inis ko sa sarili ko." Nahihiyang sabi ko, saka ko naalala 'yung una niyang tanong sa akin. "And yes, Master. I'm no longer under a dark curse."

At naalala kung paano nangyari 'yun. "It was all because of her. The Princess freed me from that curse. Hindi kaya nalipat na sa kanya ang epekto ng sumpa? I mean... baka po kaya niya ako nakalimutan ay dahil doon?"

"Eh 'di sana pati kami ay nakalimutan na rin niya."

"Bakit hindi niya ako naaalala?"

"Ano bang nangyari sa inyo noong nandun kayo sa Atreria?"

Natahimik ako bigla. Inalala ko ang lahat ng ginawa ko kay Yana. Not that I forgot about it. It was all very clear to me.

Nang dalhin ko siya sa kuta ng mga kalaban, pinabayaan kong kamuntikan na siyang halayin ni Night Hollowick. Harapan pa akong nambabae for kissing Myera. I broke Yana's heart. I caused her harm, both physically and emotionally.

"Sa lalim ng iniisip mo, siguro sobra-sobrang pananakit ang ginawa mo sa Prinsesa."

Hindi ako makatingin kay Master Lorcan. Napayuko na lang ako. I silently cursed myself, mentally punching and beating myself out. Nag-iisip na ako kung paano ko rin paparusahan ang sarili ko nang biglang pinaghahampas na ako ng hawak na tungkod ni Master Lorcan.

"A—aray! Master? Bakit niyo ginawa 'yun?"

"Ang alin, batang Zaffiro?" Wika niya, sabay hampas uli sa akin. Sinubukan ko nang umilag pero nasapul pa rin niya ako sa ulo ko. "Dapat lang 'yan sa ginawa mo sa Prinsesa natin—at sa taong labis na nagmamahal sayo!"

"At mahal ko rin naman po siya!" Naibulalas ko na lang bigla. Nang maisip kong hindi ko pala dapat sinabi 'yun, "I mean... um... Master... it's just that..."

"Wag ka nang mabulol! Matagal ko nang alam ang tungkol dyan, batang Zaffiro."

"Alam niyo po?"

"Noon pang hindi pa natin nalalaman na siya pala ang nawawalang Prinsesa. Alam ko na may gusto ka na sa kanya, at ganun din siya sayo. Kaya nga sa tingin ko, ang dahilan kung bakit hindi ka niya naalala ngayon ay..."

Inabangan ko ang susunod na sasabihin niya. Binitin pa niya kasi. "Ay ano po, Master Lorcan?"

Tumingin siya sa akin at ipinatong ang isang kamay sa balikat ko. "Dahil 'yun ang nababagay na parusa sa ginawa mo."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon