Sana

184 5 0
                                    

X: Sana

—————

Bata palang ako ay natuto na akong gamitin ang salitang ito.

"Sana matuto akong mag-drawing"
"Sana matuto na akong lumangoy"
"Sana hindi na ko matakot sa dilim"

Ito ang mga sana ko noon.
Mga sana na nagagawa ko na ngayon.
Mga sana na nakayanan kong gawin.

Kung noon ay ang mga sana ko, madali pang gawin,
Ang mga sana ko ngayon hindi ko na alam kung paano sisimulan.

"Sana makalimot na ako."

"Sana mawala na ang mga sakit sa aking puso."

"Sana maging malaya na ang aking isipan."

"Sana hindi na ako ulit umiyak gabi-gabi."

"Sana maging maayos na ang lahat."

Ang mga sana ko ngayon na hindi ko alam kung hanggang "Sana" nalang ba talaga.
Hindi alam kung kailan ito matutupad sapagkat hindi ito alam kung paano sisimulan.

Mga sana na tila ba'y nanatili nalang bilang sana.
Mga sana na sana'y hindi nalang naging sana.

Kaya sana ang aking mga Sana ay hindi na manatiling sana pa.

THOUGHTS (Poetry)Onde histórias criam vida. Descubra agora