Ayoko Na

820 11 0
                                    

I: Ayoko Na

—————

May mga bagay sa ating paligid na sana wala na lang.
Mga pangyayari na sana, sana hindi na lang nangyari at nangyayari.

Pagod.
Pagod nang intindihin ang mga bagay sa aking paligid.
Ngumiti kung hindi naman ito ang nais.

Mag-isip ng mga bagay na nakakasakit ng damdamin,
Mga bagay na hanggang ala-ala na lang,
Mga ala-alang hindi na mauulit pa.

Pagod na pagod na.
Sa pagtanggap ng mga masasakit na salita,
Mga salitang sa mahahalagang tao sa akin pa nagmumula.
Mga taong dapat tulungan akong maka-angat,
Ngunit siya pang humihila sa akin pababa.

Pagod na pagod na.
Sapagkat ang mga bagay ay patuloy na nadaragdagan,
Sa aki'y lumulunod sa patuloy na pagbigat ng dumadagan.

Dahil sa mga sakit ay tila ba unti-unti nang humihina—sumusuko ang aking katawan.

Hindi na kaya.
Mga tuhod ay sumusuko na,
Pagluhod kasabay ng pintig ng puso'y huminto.

Maaaring tanggap ko nang ako'y hanggang dito na lang.

Ako ay susuko na.

Tatapusin lahat sa salitang "Ayoko Na".

THOUGHTS (Poetry)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang