"Oh Ayesha, bat ka nagdadabog?"Pasigaw na tanong ng ama nito, nginisian iyon ni Ayesha at sumigaw "Anong nangyayari dito?! Ahaha? " Tumaas ang kilay ni Ayesha at sinulyapan si Althea.

"Aba umayos ka, Ayesha ha!"

"Tumigil ka nga!" Singhal nito sa ama. Umalis si Ayesha, "Huy! Jamilah Althea! Pumunta ka rito! Sundan mo ako! May ipapagawa ako sayong malupit!" Walang modong sigaw nito at habang naglalakad ay bumaling sa mga magulang at tumingin ng masama. At ngumisi.

Matagal nang ganon ang ugali ni Ayesha at magmula ng dumating siya sa pamamahay na yon ay nag-iba ang ugali nito, kung kaya't sanay na siyang nagisisigaw ito.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayong wag mong tatawaging si Althea ng Jamilah!" Sigaw ng ina nito at sinundan ang anak.

"wa la a kong pa ki" Sagot ng dalaga dito na hinawahiwalay pa ang mga salita para mas dama.

"Tita Ims, ayos lang. Pagpasensyahan at intindin nalang si Ayesh---"Kalmado nitong wika. Pero pinutol iyon ni Ayesha, "Wag kana magsalita at magkukuda, Jamilah! Pumunta ka sa kwarto ko!"

"Hindi pupunta si Althea diyan!" bumaling ito kay Althea, "Athea wag ka nang pumunta hayaan mo siya, namimihasa ang bata na yon"Tumingin si Althea kay Tita Ims at ngumiti, "I can handle her, Tita. Tito wag kayong mag-alala"Ngumiti ito at tumango, samantalang si Tito Tonyo ay nag-aalala. "Sige, Althea. Baka saktan ka na naman ng Ayesha!"

"Ang daming drama jusko naman! Jamilah bilisan mo!"Bumalik si Ayesha. Nakita nito ang pagmumukha ng ama na nag-aalala kay Althea, samantalang kanina sa kaniya ay wala lang itong pakialam.

Ngumiti si Althea.

"Sige na, Congrats ulit. Pag sinaktan ka lumabas ka kaagad at kami ang magdidisplina ah" Pumasok na si Ayesha sa kwarto, tumango naman si Althea at naglakad papunta sa kwarto at pinihit ang door knob.

Pumasok si Althea at nakita nito si Ayeshang nakahiga na parang relax na relax at wala lang ang nangyari sa kaniya. "Anong ipapagawa mo, Ayesha?" Tanong nito.

"Gusto ko lang makita yung mukha mong umiiyak. Umiyak ka nga." Tumatawang sambit nito. "Mukha kang kawawa eh, dugyot na pulubi" Tinuro siya nito at tumawa na naman ng tumawa.

"Okay."

"So, ano ngang ipapagawa mo nang MAKASAMA ko na ang MAMA at PAPA mo?"

Tumaas ang kilay ni Ayesha.

"Di mo ba narinig, gusto kitang makitang umiiyak bagay yun sayo e"Tumawa na naman ito.

"Aalis na lang ako, Ayesha. Di kasi ako pumapatol sa katulad mo"

Akmang aalis na iyon. "At bakit ka aalis?! Sinong nagsabi? Tanga mo naman, di kita pinapaalis."

Umikot ang mga mata ni Althea.

"Jamilah Avery VILLANUEVA, bakit kayo tumatawa kanina? Mukhang ang saya-saya niyo ah!" Tanong nito sa kaniya, napa-Ah si Ayesha, "Diba, Jamilah Avery name mo? Bat ginagamit mo ang Althea? Di bagay sayo."

"Nakapasa ako sa scholarship. Masaya talaga kami. Mabuti akong tao eh. Yes, dati. Wala akong paki." Sagot ni Athea at tumaas ang kilay ni Ayesha, "What?! Ang bobo mo naman! I don't understand your stupidiness! Gosh! My beauty! Ayusin mo nga ang sagot mo"

Gusto nang sabunutan iyon ni Althea pero di niya magawa. Mas matanda siya, kaya iintindi siya.

"In order ko kasi sinagot. Sorry, I don't have time to explain to you. Mahalaga kasi ang oras ko. Correction, stupidiness is stupidness, gosh, mag-aral ka naman Ayesha."

Unexpected Love (Artista Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن