II

123 6 0
                                    

CHAPTER 2:

WE'LL NEVER KNOW.

2 years after the scene.

Dingdong (2x)

Sa pangalawang beses na pag-doorbell ay narinig iyon ni Althea. Lumabas si Althea para tignan kong sino ang estrangherong nag-doorbell.

"Sino yan?" Tanong ni Althea, Nakita ni Althea ang maliit na papel. Kung ano iyon, isa iyong padalang sulat. Kinuha iyon ni Althea at nabasa nito ang nakasulat Villanueva University. Napangiti si Althea, nag-entrance exam siya sa unibersidad na iyon ang dati niyang pinapasukang paaralan.

Nagtatalon si Althea at pumasok sa bahay labis ang kasiyahan ng dalaga. "Oh my G! Nakapasa ako sa Villanueva University! I made it! Tita!"

"Oh, Althea iha? Napakasaya mo naman ah, anong meron?"

Itinaas at iwanagayway niya ang papel na hawak-hawak niya. "Nakapasa po ako, Tit aims!!!"

"Hala ano?! Patingin nga iha!" Nagtatalon na ang mag-Tita, mahigit ilang taon na ring nakatira si Althea kila Tita Ims at naging close na sila. "Congratulation, anak!" Niyakap niya si Althea at hinalikan sa noo. "Napakagaling mo!"

"Syempre, Tita Ims! Ako pa nga ba!?" Tumawa ang dalawa. Si Tita Ims naman ay panay ang pag-cocongratulate sa pamangkin.

"Anong kaguluhan ang nangyayari dito!?" Nagulat ang dalawa. Agad naman iyong nakita ni Althea, si Tito Tonyo. "Nakapasa po ako Tito, sa scholarhip sa Villanueva University" Lumawak ang ngiti ni Tonyo at nagtatalon rin na parang nanalo sa lotto.

"Mabuti naman iha, Napakagaling mo talagang bata" Niyakap niya ng mahigpit si Althea. "Ano naman ang time at schedule mo, iha?" Tanong ng Tita Ims niya.

Si Tita Ims ay asawa ni Tito Tonyo. Si Althea naman ay ulila na, kararating lang ng kaniyang Tito Tonyo sa paghahanap ng trabaho napalayas kasi ito sa dating pinagtatrabahuhan.

"Wala pa pong nakasulat Tita Ims e, maybe, sa pasukan pa malalaman or sa Website ng school. I know kasi na ganun, pero di ako sure hehe. Sana lang hindi night shift"

"Eh pano yan, Althea? Kaya mo ba bumalik sa eskwelahan na iyon? Eh alam naman namin ang pinagdaanan mo don." Tanong ni Tito Tonyo, napahinga ng malalim si Althea.

Tumingin ng masama si Tita Ims kay Tito Tonyo at umiling. "Congrats, Althea. Wag mo nalang pansinin ang sinabi ng Tito Tonyo mo, hulog ka sa amin ng langit"

"Tandaan mo na kami andito lagi, masasandalan mo kami" Napatango nalang don si Althea sa sinabi ng kaniyang Tita. Buti nalang hindi siya nito tinutulan. Ngumiti si Althea sa dalawa.

"O siya nga pala, kumain na muna tayo. Naghanda ako ng miryenda"Nagtatalon si Tito Tonyo at sumayaw sayaw, "Thank you, mahal! Mahal na mahal mo talaga ako!" Hahalik sana iyon kay Tita Ims pero iniwasan niya 'yon.

"Ay nako! Mag-tigil-tigil ka, hindi para sayo yan. Ginawa ko iyan kay Ja---Athea" Napatigil si Althea pero nabawi niya rin naman agad. "Ayy ang sweet love na love akoo ahh!"

Kinuha ng kaniyang Tita ang plato na merong mga saba at ipinatong iyon sa lamesa. Umupo silang tatlo sa kaniya-kaniyang upuan na parang isang pamilya, nagtatawanan at nag-aasaran.

Nagulat ang dalawa nang may dumabog sa gate, akala nila ay magnanakaw, Si Ayesha Chelsea iyon anak ng kaniyang tito at tita. Masyadong mataray, suplada, kakaiba ang ugali ng dalagang si Ayesha. Nung minsan nga ang tagpo ng dalawang si Ayesha at Althea, nasa Bar si Ayesha, naglalakad lang si Althea nun ng makita niya ang pinsang si Ayesha. Kasama ni Ayesha ang boyfriend nito at ang malala? Nakikipaghalikan. Ilang taon pa lang si Ayesha, 15 years old.

Unexpected Love (Artista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon