I

957 14 2
                                    

CHAPTER 1:

 I KNEW I LOVE YOU SINCE I MET YOU


Kanina pa nasa tabi ni Jamilah si Madelyn Zel at nanatili pa rin naman ang kaniyang katulong. Mahigit isang oras na itong naghihintay magising pero hindi pa rin bumabangon. Gumalaw ng onti ang dalaga at kinusot ang mga mata pero mukhang wala pa ring balak tumayo.

"Ma'am,Gising na po kayo may pasok pa po kayo"

"Anong oras na po ba?"

"7: 32 na, Jammy ''

Walang anu-ano ay bumangon si Jamilah at bumangon. "Ano?! BaaaaKkiiit ngayon niyo lang ako ginising 6:00 pa yung pasok ko?!!!!"

"Sorry po, hindi ko po kasi alam yung oras kung anong oras kita gigisingin eh sorry talaga. Miss Jammy..." Tumayo si Jammy at tumakbo papuntang C.R.

Huminga nang malalim si Jamilah at binuksan ang pinto ng C.R , nandun ang kaniyang katulong, Si Madelyn Zel. Sinalubong ni Jammy nang galit na mukha. Ngumiti ito kay Zel.

Napangiti si Zel dahil ngumiti ito sa kaniya.

"Sorry nasigawan kita, Ate Madelyn." Nakatayo lang ito sa may labas ng pinto ng C.R. "Pasensya na. Ipaghanda niyo nalang ako ng makakain ko...then after kong maligo baba na ako tapos kakain."

Ngumiti si Madelyn Zel, dahil ligtas ang kaniyang trabaho. Hindi ito sa kaniya nagalit. Malaki ang posibilidad na ipatanggal siya nito sa trabaho kahi pa matagal na siyang namamasukang katulong. Palaging galit si Jamilah at kapag galit siya agad niya itong tinatanggal.

Umalis na si Madelyn Zel samantalang si Jamilah naman ay pumunta sa C.R para maligo.

BUMABA SI JAMILAH para mag-almusal at pumasok sa school. Suot ang uniporme. Naka-suot ng black heels na walang medyas. Oo, wala talaga.

"Madelyn, I'm not going to eat na, thanks sa pag-prepare" Tumawa si Madelyn, Hindi humingi ng pasensya kay Madelyn dahil kasalanan naman nito kung bakit siya nahuli sa klase. Tumango-tango si Madelyn. "Okay lang, Ma'am! Kakainin ko nalang po!" Masayang wika nito kay Jamilah. Sa loob loob ni Jamilah, sa tingin niya natutuwa ito sa kaniya?

Umalis na ang dalaga sa harapan niya. "Ingat, Jammy! Baka ma-late ka pa" Jamilah sighed. Sa paglabas ni Jamilah sa mansion, nakita niya agad ang kotseng nakaparada at handa ng umalis. Sumakay si Jamilah sa sasakyan nito. Tahimik lang na nakatingin si Jammy sa bintana. Pagdating sa eskwelahan na pagmamay-ari ng mga magulang niya. Wala itong pakialam na naglalakad, kahit pa siya na lang ang natitirang estudyante sa hallway. Habang nasa hallway ay panay flip lang ito ng buhok at ang mga estudyanteng babae at lalaki ay napapalingon sa kaniya. Dahil na rin sa maingay nitong takong.

Padabog na binuksan ni Jamilah ang pinto ng classroom nila. "Oh, Miss Villanueva?! Late ka na naman? Aba!"Tanong sa kaniya ng lecture nila. College na ito pero hindi pa rin nagbabago ang pag-uugali. Hindi iyon pinansin ni Jamilah, Nakita nito ang inis sa mukha ng Lecturer at ang mga estudyanteng seryosong nakikinig sa lecture ay nagulat sa lagabog ng pinto.

Tinignan ni Jamilah ang lecturer niya at inirapan, "Hey, Alaina, punasan mo nga ang chair na yan" Turo nito sa upuan na wala pang nakaupo, tinext niya si Alaina kanina habang nagkaklase ito. Wala siyang pakialam kung mapagalitan si Alaina. Mahigit two hours na ang mga kaklase niya sa room samantalang siya kararating palang. Pinunasan naman iyon ni Alaina at ngumiti sa kaniya. Kaibigan niya iyon. "Ang arte" Dinig nito sa sinabi ng lecturer pero 'di niya yon nilingon. Inilapag ni Jamilah ang kaniyang bag at umupo na may class.

Unexpected Love (Artista Series #1)Where stories live. Discover now