Chapter 11 [Tempted]

623 17 22
                                    

Chapter 11

Deiderick

“Crap!” Deiderick swore nang mahulog sa braso niya si Izzy. Hindi niya akalain na magdidilang-anghel siya kanina ng sinabihan niya ito ng ‘see you tonight’. He didn’t think na mahihimatay ito. Ang inexpect niya magpipilit lang ito na lumapit sa kanya kasi pinatay na ang lahat ng ilaw sa school. Well, okay he will admit na he was expecting a little bit na mahihimatay dahil alam niyang any moment, papatayin na ang mga ilaw para daw makatipid sa bayarin sa kuyente ang school which is stupid kasi sobra-sobra pa nga ang tuition nila. Kaya nga hindi din niya inalis ang paglagay nito ng kamay nito sa leeg niya para masalo niya agad ito if ever mag-sink in dito ang phobia nito pero he didn’t expect na siya ang maiipit sa sa sitwasyon.

“Crap!!!” He swore again nang hindi niya ito mabalanse ng mabuti. Hindi niya pa kasi naayos ng bitbit ang backpack niya nang nahimatay ito at puno ng libro ang bag niya kaya dagdag tuloy sa bigat ng babaeng nakasampa sa kanya.

Shit, he feels like a pervert. Para bang feeling niya mang-ra-rape siya ng babae lalo na at wala pang malay ‘tong isang ‘to! Bakit pa kasi niya ito tinakot! Eh di, eto tuloy, he’s stuck with her.

Well for one reason, she was irritating. Pero he knows that won’t justify for what he did. Alam niya ang nangyayari ‘pag tinatakot ito tungkol sa multo. Yup! Ang well known bully and spoiled brat na si Isabella Stephens ay takot sa multo. Tumawa na ang gustong tumawa pero totoo. No one knows except him and his family and of course Isabella’s Dad na ang takot nito sa multo ay sobra to the extent na nahihimatay ito.  Siya pa nga ang naka-discover ng phobia ng brat na ito, eh.

Nung hindi siya nito gustong ipasali sa laro nito at ni Trixie nung mga bata pa sila, he tried to lock her in her room and turned off the lights. Bigla niyang ni-on ang TV na may Japanese horror film that she never dared to watch. She screamed but luckily, their parents went to a fancy dinner kaya puro mga tauhan lang ang nasa mansion ng mga Stephens. Her scream was ear piercing and he swore nagkabasag-basag ang mga bagay na made of glass sa loob ng mansion sa lakas. But he did not stop there. Sobra ang inis niya dahil inggit na inggit siya sa mga ito nang naghahabulan sa laro. Instead, lumabas siya sa closet nito na nakatalukbong ng puting tela at may flashlight na naka-on sa loob making him look like a white lady (technically a white boy). Nagtaka siya na hindi na ito tumili ng napakalakas kaya akala niya, hindi ito takot sa mga white lady, baka sa movie lang. Nang palabas na siya sa kwarto nito at ibinukas ang ilaw, nakita niya itong nakahandusay na walang malay sa carpeted floor.

Nagpanic siya of course. It was just a stupid prank. He hates her but he doesn’t want her dead. Ayaw niya pa din makulong. He is too young. So he called the number of the restaurant where their parents had dinner (they always make it a point to leave the number of the restaurant in case of emergency) at umuwi ang mga ito na halos may mga usok sa ilong sa galit. Especially his Mom. Tito Isidore’s expression was grim. That was the first time he heard na na-mention ang Mom ni Isabella. He learned na iyon ang panakot ng Mom nito para mapasunod sa mga utos nito. He saw for the first time the hurt na naka-plaster sa mukha ng Tito niya that guilt overtook him. His prank earned him a one month being grounded at one month being Isabella’s alalay. That one, imposed by his Mom.

Prove Me Wrong [TAGLISH]Where stories live. Discover now