Kabanata 35

Depuis le début
                                    

"H-Hailey, baby please...", He begged as tried to go near me.

Pinilit kong tumayo. Binunot ko kung ano man ang nakasaksak sa kamay ko. Talagang namanhid ang katawan ko kahit pa tumulo na ang dugo sa kamay ko dulot ng pagkakahila ko sa IV fluid. Pinilit kong makatayo at inihakbang ang nanginginig kong mga paa. Dahil sa nanghihina, tuluyan akong natumba sa sahig. Tinulungan ako ni Trisha subalit hindi ko tinanggap ang inalok niyang tulong.

Umiiyak na binuhat ko ang aking sarili. At dahan-dahan ang aking naging paghakbang. Muntikan pa akong muling matumba ngunit sinalo ako ni Hunter.

Niyakap niya ako. Nabaon ang mukha ko sa dibdib niya. "Hunter, b-buhay si blue belle, di ba? Yung baby ko, okay lang siya, di ba?", Kumusot na rin ang shirt niya sa tindi ng pagkakahawak ko roon. Tumagos na rin ang dugong dumadaloy sa aking kamay sa shirt niya. I don't care the pain in my body but the pain in my heart is aching too much. Sobrang sakit non. Sobra-sobra.

Bakit ba hindi nila magawang sagutin ang tanong ko?! All I care now is my child being safe.

"H-Hunter...", Malakas na ang naging pag-iyak ko. Hindi ko na kaya.

"The baby...d-didn't make it. I'm sorry, Hailey. I'm sorry... I'm sorry..."

Inalis ko ang mga braso niya sa akin. Humakbang ako paatras habang tinititigan ko siya. Makailang ulit akong napailing. Nakabuka ang bibig ko habang hinahampas ko ang dibdib niya. Ang katawan ko ay kusang dumausdos sa sahig habang malakas na umiiyak. He tried to comfort me but I push him away. Hard.

"No, this is a nightmare, right? I need to wake up from this! Nagsisinungaling ka lang. This is not true. No, no, no, please... No!!", Paulit-ulit kong sambit almost like a chant.

My mind was a fog, only deciphering fragments of what he muttered, something about our child being dead. I had tried to emulate my demeanor but all I receiving was their sympathetic stare and yet it wasn't even comforting.

Mas lalo lamang nila pinabibigat ang nararamdaman kong hinagpis.

"I won't give up on you, Hailey. Please, come back to me...", Hunter implored.

Nanatili akong tahimik. Hinayaan ang luhang lumandas sa aking pisngi. Natulala ako.

"Anak, tanggapin mo na lang ang katotohang ito. Alam kong mahirap pero kailangan mo iyong tanggapin.", Ani Mama sa nanginginig na tinig.

"The child is gone. We are all sad about the news. Magpakatatag ka.", Sunod na sumagot si Mommy Suzette.

Nanlulumo ako sa aking mga naririnig. Namumuhi ako sa aking sarili.

NANATILI AKONG tulala. Hindi ko na nauunawaan pa ang mga sinasabi nila Mama sa akin. Para bang tunog na lamang iyon ng huni ng bubuyog ba naglalaro sa aking pandinig. Niyakap ko ang tuhod ko at ipinatong patagilid roon ang aking ulo.

Ilang araw na ba ako rito sa hospital? Ilang araw na ba akong umiiyak?

Hinaplos ni Mama ang buhok ko ng maupo ito sa gilid ng hospital bed at utusan si Tito Franco na kuhanin ang dala-dala nilang pagkain.

"Niluto ko ang paborito mo. Ang sabi sa akin ni Hunter hindi mo daw kinain ang mga pagkaing binibigay sayo. Kumain ka nito, alam kong paborito mo ito.", Naglagay ng pagkain sa kutsara si Mama at sinubukang isubo sa akin.

Tinitigan ko lang iyon saka muli kong ipinilig ang ulo ko.

"Hailey naman, kumain ka naman kahit kaunti. Kailangan mo mg lakas. Please naman anak kahit kaunti lang...", Muling pakiusap ni Mama sa akin.

So I Married The Mafia BossOù les histoires vivent. Découvrez maintenant