Six

1.8K 42 3
                                    

“Albert kamusta siya?” tanong sa akin ni tina ng makalabas ako sa kwarto namin ni seferina.

“Tulog na siya dahil na din siguro sa kakaiyak niya.” Kalmadong sagot ko at bahagyang sumandal sa pinto.

“Itong bahay, hindi ko ina akala na hanggang ngayon dito pa din tumitira si seferina simula nang nagdesisyon ako na palayain ko siya akala ko noon una ako lang ang nahihirapan sa sitwasyon namin dalawa na ako lang ang nahihirapan dahil siya na mismo ang nagpapalayo sa akin. Pero tina, nakamali ako sa akala na iyon! Napaka makasarili ako at hindi ko nagawang isipin si seferina na sana mas nilawakan ko pa yung pagiisip ko na mas nahihirapan pala siya sa aming dalawa.”

“Albert wala sa inyo ang may kasalanan at wala din ang may gusto sa mga nangyayari, parehas lang kayo nasasaktan ng kapatid ko at kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na ikaw ang sisihin sa lahat ng yayaring ito.” Mahabang paliwanig ni tina kasabay ng paghawak at pagpisil nito sa balikat ko.

Napatingin ako kay tina at bahagyang ngumiti.

Sobrang thankful ko na si tina ang naging bestfriend ko.

“Alam mo ba kinse anyos palang ang kapatid ko ay patay na patay na sayo --” bigla ako na patingin kay tina habang tumatawa ito.

“Bakit ganyan ka mataingin? Hindi ka ba na niniwala sa akin na sa murang edad ni seferina ay baliw na baliw na sayo.” Paliwanag nito habang tumatawa.

Year 20xx

“Ate! Ate!” paghabol ko kay ate tina.

“Yes baby?” tanong niya sa akin nang hindi na puputol ang atensyon nito sa binabasa niya.

“Ate sabi ni nana pumunta daw ulit dito yung barkada mo?”

“Yep! Why?”

“auhm... wala lang nabanggit lang naman sa akin ni nana.” Nahihiyang pagdadahilan ko.

Ibinababa nito ang magazine kasabay ng pagkunot ng noo niya ng humarap ito sa akin.

“Seferina, don’t tell me ini-stalk mo naman si albert?”

“Ha?! Di ah?! Ate naman!” guilty na depensa ko sa kanya.

“Nako! Nako! Kilala kita seferina.” Sabi nito habang nakaturo sa akin yung magazine na ipina ikot niya.

“Hindi naman talaga kasi!” inis na sagot ko sa kanya kasabay ng pagsalampak ko sa couch.

“Ows! Talaga lang ah? Kinse ansyo ka palang nuh? Saka kuya mo na si albert.”

Kuya?! Tsk! age does matter kaya hindi ba niya alam iyon?! Kung sabagay di pa kasi siya na i-inlove eh.

“Hoy! Ikaw na patay na patay albert nakikinig kaba?!” sigaw na tawag nito sa akin.

“Hindi nga kasi! Kulit naman eh!”

“Okay sabi mo, pero sinasabi ko na sayo wag kana umasa hindi ka type ni albert.” paliwanag nito kasabay ng paghalak-hak niya habang humahapas hapas pa ang kamay niya sa couch.

“Grabe ka naman! Nakakainis kana ate!”

“Alam mo sinasabi ko lang yung totoo sayo, na hindi ka niya magugustuhan kasi may girl friend nang kinakabaliwan si albert Haha! No doubt bagay kayong dalawa ni albert perahas baliw sa pagibig.”

“Ewan ko sayo!” sabay bato ko sa kanya ng throw pillow.

“Masakit iyon ah?! Pikon!"

"Nako! Kayong magkapatid talaga nagaasaran naman kayo. Oh- ito ang miryenda kumain muna kayo."

Can We Start Again.. [Ongoing]Where stories live. Discover now