Three

2.4K 80 1
                                    

3

"Sana kung bibigyan ako ng pagkakataon na i-tama ang lahat. Iyon yung araw kung paano kita ipinagtabuyan.."

-Seferina Sophia-

"Tina naman, huwag kana pasaway please." Napatigil ako sa paglalakad papuntang terrace ng marinig ko ang boses ni jc sa kabilang kuwarto.

"Jc naman alam mo kung ano ang nararamdaman ko diba? Alam mo natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya." Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko kay tina kaya di ko maiwasan ang lumapit at bahagyang sumilip.

"Alam ko iyon, at di kita masisi pero. Babe, sana isipin mo din naman na mas natatakot ako sa pwede mangyari sa inyo, ng baby natin." Iling iling na pahayag nito.

Ano ba ang pinaguusapn nitong dalawa at bakit parang masyadong komplikado?

"Please jc. Di ako matatahimik kapag di ko siya makikita na nasa maayos siyang kalagayan."

Kita ko ang pagbuntong hiniga ni jc bago ito tuluyan sumagot.

"Fine. Si albert ang pakikiusapan ko tungkol dito at sana lang pumayag siya babe." Bakit naman na damay ako?

Naguguluhan na ako sa dalawa na ito kinakati na ako magtanong, pero may parte pa din sa akin na hayaan nalang at huwag nang nakielam pa.

Napagdesisyon ko nang lumakad papalayo sa dalawa kung saan ito nakapwesto ng marinig ko ang boses ni jc na tinatawag ang pangalan ko.

"Ano ang kailangan mo?" walang ganang humarap at sumagot ako kay jc.

"Pre. I need your help."sagot nito kasabay ng pagtapit nito sa balikad ko.

***

Nakatayo ako sa harap ng gate at hindi ko alam kung papasok ba ako o huwag nalang.

Ang tagal na din simula nang umalis ako dito sa bahay namin.

Namin? Napa iling- iling nalang ako kasabay ng pag ngiti ko nang maapait.

Nakalimutan ko, wala palang "Kami"

I sigh.

Sisilipin ko lang naman kung maayos siya diba? At kung okay naman ito pwede na ako umalis.

Yah! I know. Hindi ko na nagawa pang mag dalawang isip nun mga oras na sabihin sa akin ni jc kung anong tulong ang tinutukoy niya.

Si seferina yung tinutukoy niya, at hindi ko magawang basta nalang tanggihan iyon.

I care her so much.

Naglakad ako palapit ng gate sapat na para mapindot ko ang buzzer.

Bakit ba ako nag ba-buzzer kung hanggang ngayon hawak ko padin yung spare key ng bahay na ito.

Napansin ko nag bukas ang pinto kasabay nun ang paglabas ni seferina.

"Al...bert?" Gulat na expression ang sumalubong sa akin.

Maski naman ako nagugulat sa nangyayari, hindi ko inaasahan sa ganito pa kami sitwasyon pagtatagpuin ni seferina.

I smiled.

"Kamusta kana?"

"Anong ginagawa mo dito?" taliwas na sagot sa tanong ko.

"Hindi ako manggugulo."

"Wala akong sinabing ganun." Kasabay nun ang pagtalikod nito para pumasok sa loob

Anak ng---! Hindi man lang ako pa papasukin nito?

"Teka! Hindi mo lang ba ako papasukin?" sigaw na tanong ko sa kanya.

"Bukas ang gate, at iiwan kong bukas ang pinto ibigsabihin nun pinapasok kita. Hindi lang kita sasabayang pumasok." Walang emosyon na sabi niya at tuluyaan na siyang pumasok sa loob.

Tsk! Ano problema ng babae nato.

~●~

Bakit ba siya nandito?

Ano ba kailangan niya?

Akala ko hindi na siya magpapakita saakin?

Dapat pala mas sinunod ko nalang yung katawan ko na wag na tamayo mula sa hinihigaan ko, sobra akong tinatatamad bumangon nun mga oras nun at pinagiisipan ko pa nangdalawang beses kung pagbubuksan ko ba yung taong kanina pa nagba-buzzer sa labas.

Kaso sumilip na ako at kita na din niya ako.

"Bakit ka ba andito? Anong kailangan mo?" tanong ko sa kasabay ng paghawak ko sa sintido ko.

Sumasakit naman ang ulo ko.

"Seferina? Ayos ko lang ba?" kanina ayos naman ako, maayos na ang pakiramdam ko pero ito naman ulit.

Huminga ako ng malalamin bago ako tuluyan sumagot at humarap kay albert.

"Ayos lang ako. Kanina pa ako nagtatanong sayo pero hindi mo naman sinasagot." Sagot ko sa kanya at tuluyan ako na paupo sa couch.

"Alam mo hindi ka okay. Ano ba ang nararamdaman mo? Gusto mo dalin na kota sa ospital?" ramdam ko ang pagalala ni albert sa akin at ramdam ko din na papalpit ito saakin.

Hindi ko nakuha pang sumagot dahil sa nararamdaman ko.

Bakit ganun? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nainis ako pero may part sa akin na masaya ako dahil nagkita kami ulit ni albert.

Nagulat ako nang bigla ako hawakan ni albert sa balikat papuntang noo.

"Ang init mo seferina." Hindi ko na ngawang lingunin pa siya.

And it's turn to black.

Can We Start Again.. [Ongoing]Where stories live. Discover now