Four

2.4K 78 10
                                    

4

“Siguro oras na para tanggapin ko ang lahat. At sa oras magawa ko iyon, baka lahat ng katanungan ko sa sarili ko makuha ko na ang kasagutan.”

                                                                                                                                 -Seferina Sophia-

“Mahal kita. Mahal na mahal kita....” bulong ko sa hangin kasabay ng pagdilat

Panaginip...

Paulit ulit na panaginip. Hindi ko maintindihan kung bakit lagi ko nalang sinasabi iyon sa bawat magigising ako ni di ko naman kilala kung sino ang pinagsasabihan ko ng  mga kataga na iyon, dahil di ko din naman makita ang mukha ng lalaki sa panaginip ko.

Na patingin ako sa may pinto ng marining ko ang boses ni albert.

“May lanat siya, Pero okay na din naman siya. – Oo.. Okay na, huwag na kamo masyado magalalala.” Rinig ko ang boses ni albert mula sa labas ng silid ko.

“Yah. I know, di ako sure. Ewan ko pre, hindi pa kami ganun naguusap, masyado din siyang ilag sa akin.” Sinumulan kong tumayo sa higaan ko para silipin si albert.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Bakit parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko?

Para akong hinahatak papunta kay albert at gusto ko siyang yakapin para mawala yung nararamdam niyang sakit.

Ako ba talaga ang dahilan kung bakit siya nasasaktan?

Bakit hanggang ngayon wala pa din ako matandaan sa nangyari?

At higit sa lahat bakit siya lang ang di ko matandaan?

Marami akong katanungan na gusto mo malaman. Pero, sa tuwing umpisahan ko malaman ang lahat lahat nakakaramdam ako ng takot.

“Kanina ka pa dyan?” napaangat ang ulo ko dahilan makita ko si albert na nakatayo nasa harapan ko.

Tumango nalang ako bilang sagot.

Tss.. ganun ba ako masyado kalalim magisip at di ko napansin na wala na pala siyang kausap.

“Kamusta pakiramdam mo?” tanong nito kasabay ng paglakad niya papalapit sa akin.

Ramdam ko ang pagbuntong hininga nito at ang pagkabigla ko ng bigla niya inilagay ang kamay niya sa noo ko.

“Buti naman bumaba na yang lagnat mo. Nagugutom kanaba? May mga pagkain na akong nailuto sa baba.” ngiting paliwanag niya.

“Ayos lang ako.”

“Hanggang ngayon ba galit ka pa din ba sa akin?”

“Wala naman akong sinabing galit ako sayo.”

“Pero umiiwas ka sa akin.---. "

Hindi sa ganun. Hindi ganun ang gusto ko iparating sayo.

“Tara na’t bumababa na tayo nang makakain na tayo.” Taliwas na sagot ko sa kanya.

Tumango lang ito sa akin bilang sagot.

Sa dinami dami ng katanungaan ko sa sarili ko. Ni isa doon wala pa din akong makuhang sagot.

Simula ng nagdesisyon si albert na umalis dito sa bahay. Doon nagsimula maglaro sa utak ko ang lahat ng katangungaan na nagpapahiwatig na parang may pagkakulang sa pagkatao ko.

Ganun pala talaga nuh?

Doon mo pala mare-realize ang lahat kapag huli na ang lahat lahat.

Nakakatawa lang kasi. Nang magising ako mula sa pag ka- coma, ay ganun nalamg ang pagtataboy ko kay albert nun mga oras na iyon.  Masyado akong iritable sa kanya kaya di ko siya na gawang kilalanin at bigyan ng pagkakataon para makalapit at makapagpaliwanag.

Masama ako. Makasarili.

Di ako nagiisip kaya’t kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig ko, at di ko nagawang pahalagahan ang mararamdaman ni albert sa mga salitang nabitawan ko sakanya noon.

Tama si macy.

Maski ako kita ng dalawang mata ko kung pa paano naging miserable ang buhay ni albert sa akin, at kung paano niya tiniis ang mga iyon.

Pero ngayon? Nangmakita  ko siya masaya ako, di dahil sa nagkita kami ulit, kung di sa makita ko siyang maayos na ang kalagayan niya ngayon kesa sa dati.

Humarap ako sa kanya kasabay ng pagngiti ko sa kanya.

“Masaya ako na makita ka Leo...”

***

Can We Start Again.. [Ongoing]Where stories live. Discover now