Kabanata 12

5K 170 29
                                    

Nakatulala ako habang papauwi sa amin. Good thing night shift sila mommy ngayon kaya hindi nila ako makikita sa ganitong sitwasyon.

Liar. He told me he'll come back and I waited there for like I don't care how many hours.

Hinatid ako nila Kaz pero tahimik lamang ako habang pinagmamasdan ang mga kabahayan dito sa isang exclusive subdivision namin.

"You sure you okay?" Alanganin akong ngumiti kay Nam tsaka tumango. Driver nila ang naghatid sa amin dito.

"We can have sleepover here." Magiliw na untag naman ni Kaz. I know they're really worried about me. Kaso simula kanina ay hindi ko nagawang sabihin sa kanila ang mga nangyari. Ang bigat sa puso ko. Hindi ko magawang maamin ang tunay kong nararamdaman. Na hulog na hulog na nga talaga ako. Na talo ako sa larong pinasok ko. What happened to the queen who used to be the prim and proper?

"I'm okay." Labas ata sa ilong ang dalawang salitang binitiwan ko dahil pareho silang napailing.

"You're not." Walang pag-aalinlangan na sabi ni Kaz. "And it's King's birthday bakit hindi mo pa rin siya binabati...hanggang ngayon." And I almost forgot about that.

I planned to greet him at exactly 11:59 PM personally. But I think I failed. Well, I still have 59 minutes left but where he is right now? Probably enjoying the time with Eura. Ugh. Nakakainis! Damn! Nagseselos ako! Hindi matanggap ng ego ko na halos parang nagmakaawa ako sa kanya kanina na manatili siya sa tabi ko pero pinili niyang daluhan at buhatin si Eura.

Okay. Oh My God! Queen Reinah... Bakit ganito ang mga tumatakbo sa isipan ko ngayon? I shouldn't think about him this way! Lalo lang akong mahuhulog kung may maihuhulog pa ako sa lagay na 'to.

"Sige na...Nam, Kaz. I'll call. I just needed time to think." Yup. To think properly. Tumango silang parehas tsaka bumeso sa akin.

Nang makaalis ang kotse nila ay tsaka ring eksaktong dumako ang tingin ko sa isang lalaking nasa tapat ko ngayon.

Seryoso siyang nakatingin sa akin habang naglalakad papalapit sa akin. Nag-ugat ang mga paa ako. I wanted to run away from him. I wanted to just erase all these feelings pero imposible.

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya habang diretso lamang na nakatingin sa akin. Ni Hindi ko nga mabasa ang iniisip niya. He's no longer that same King before, he's different. At ngayon ko lang na-realize how stupid I am to play with him. I came to realize hindi basta isang laro ang isang pag-ibig. Love is all about sincerity and everything. Paano ko ito nalaman? Perhaps because every time I'm with King I always feel his sincerity. Hindi siya mapagpanggap. And I hate to admit but yes I'm falling for him every single day.

"I'm sorry." Kitang-kita ko ang sinseridad sa bawat salitang binitiwan niya. It wasn't that easy for him to say sorry...I know because when the story begins he's the tough boy... "I'm sorry for keeping you wait. I'm sorry for turning my back on you." Lumandas ang luha mula sa kanyang mga mata. "I guess I'm not mature enough. I'm a boy. But I know I'm a tough boy. I'm the strong one...but I feel so weak when it comes to you...I'm a weak man in front of the lady I love." Napaawang ang bibig ko. I wanted to wipe his tears away pero hindi ako makagalaw. "Game over. I lost this game and I don't wanna play again."

"K-King..." Shit! shit! Litong-lito na ako. I should tell him I love him. I should tell him kaso ayaw makipag-coordinate nitong bibig ko.

"I love you. And if only I could get rid of these feelings but I can't...I just can't..." Nabasag ang boses niya. Hinayaan ko lamang siyang umiyak sa harapan ko. I can't believe this. I really can't. The big boss is crying! "I know you still love Maxon. I know. I tried to play with you because I wanted you to love me back. I'm still a boy and Maxon is the man for you." Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

Game Over: Play Again? (Completed:2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon