Kabanata 3

7.1K 203 8
                                    

I walked straight towards King and his friends. Napaismid ako. Naabutan ko silang nagtatawanan sa kanilang tambayan. "Welcome Reinah! This is Big Boss' palace." Napangiwi ako kay Keo. Paano naging palace 'to. Inisa-isa ko silang tingnan.

Rexid Aldrei Montevedra- Kaklase namin nila Kaz at Nam, laging pangalawa sa akin. Pinsan siya ni Kaz. I can say na pursigido siya sa pag-aaral at matalino talaga siya. Laging seryoso. Hindi ko lang alam kung paanong nasabit siya kay King, medyo papasa siyang good boy pero tagilid pa rin dahil kay King na sobrang bad influence.

Zero Slade Aguilar- Sobrang tahimik niyan at kaklase rin namin. Masungit na tahimik talaga. Hindi ko yan masyadong nakakausap, si Kaz ang laging nang-iinis sa kanya pero taob pa rin si Kaz kasi hindi naman siya masyadong napapansin nito. Kayang bilangin gamit ang sampung daliri sa kamay kung ilang salita ang nasabi niya sa loob ng isang araw. Tahimik pero matalino rin naman siya.

Vin Rider Navarez- Kaklase naman siya ni King. Grade 11, mas matanda ako ng ilang months sa kanya pero kung makaasta akala mo magkasing-edad lang kami. Suplado yan sobra, lagi yang may pinapahiya, lalo na kapag mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Ewan ko ba, bakit sobrang ma-appeal sa mga babae ang suplado.

Keo Aldrin Robles- Kabaliktaran ng lahat, kaklase rin nila Vin at King. Kung sila Rexid at Zero ay seryoso at tahimik at suplado naman si Vin, ibahin niyo si Keo sa sobrang kadaldalan niyan. Joker ng grupo nila King pero hindi naman talaga nakakatawa. Corny. Tama! Pero wag ka, sa sobrang corny niya may nagkakagusto pa rin sa kanya. Gwapo kasi.

Gwapo naman silang lahat, aaminin ko.

Tinuon ko ang tingin ko kay King Haree Montenegro. Tinaasan niya ako ng kilay. Tsk. Siya ang leader ng grupo! Ang kapal ng mukha kasi siya ang pinakabata sa grupo pero siya ang leader, nagkakalokohan ba tayo rito? Kung makaasta akala mo hari! Kung makaasta akala mo nasa legal age na siya. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon kaya naman hindi ko maatim na sinali niya ako dun sa laro nila. Big Boss Game? Like what the fuck is wrong with them? Hindi nakakatuwa yung paglalarong ginagawa nila. Parang mga bata.

Kami nila Kazuri Eliz Montevedra, Kaz for short na pinsan ni Rexid at Narei Allysa Madrigal, Nam for short ay kasabay na lumaki ang grupo nila. Kaya hindi ko talaga matanggap na pinaglaruan nila ako, pinaglaruan nila ang feelings ko. Ang kapal lang talaga ng mukha nila na parang hindi kami magkababatang walo! Kahit hindi kami masyadong close sa kanila kasi nga mga boys sila pero sana naman respeto sa feelings diba?!

"What brings you here Rein?" Nilingon ko si Rex na seryoso ang tingin sa akin.

"I saw it. Umiiyak si Marie kanina. Nakipag-break sa kanya ang boyfriend niya." Sarkastiko akong tumawa. "At alam niyo yun kung bakit! That stupid game of yours...what was that again? Big Boss' Game?" Napataas ako ng kilay ng mabanggit ko ang larong yun, ang larong bumasag sa puso ko.

"Masaya naman ang laro namin ah?" Nag-de-kwatro si King habang nakaupo sa kanilang sofa. Umismid ako. Ang kapal talaga. "Bakit? Anong gagawin mo Ms. Prim and Proper?" Ngumisi siya sa akin. Napailing na lamang ako.

"Bata pa kayo. Kaya please lang." Pagtitimpi ko sa mga kalokohan nila. "Itigil niyo na yan."

"I'm not a kid anymore." Oh talaga? Tinaasan ko siya ng kilay. "I'm seventeen. Seventeen." He said while emphasizing every word.

"You're age doesn't change the fact that you're still a kid. You're still playing right? You're playing a childish game!" Singhal ko sa kanya habang pigil na pigil akong sugurin siya.

Sarkastiko siyang humalakhak. Bwisit! "Why Queen? You wanna play again?! Why don't you play with me instead?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kasabay nito ang bahagyang pagtawa at pagngisi ng mga kaibigan niya. Shit lang! Natigilan ako nang bigla siyang tumayo at lumakad palapit sa akin. He's way taller than me! Hanggang baba niya lang ako kahit mas matanda ako sa kanya. Well that doesn't make a difference na mas bata siya kaysa sa akin.

Game Over: Play Again? (Completed:2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon