Chapter 69: Birthday Date

587K 9.9K 5K
                                    

Chapter 69: Birthday Date

Zandra's POV

gaano na ba katagal simula nung nagbreak kami ni KD..

gaano na ba katagal simula nang nagbreak si Zandy at Krissy...

isang buwan na din pala ang nakalipas..

ang bilis...

kami ni KD..

parang dati pa din..

good friends. ^_^

ok na kami

pero hindi ko maiwasang malungkot pa din dahil alam ko, nasasaktan pa din siya..

pero hindi naman nagbago ang pakikitungo namin sa isat isa.. 

he's still sweet.. ^_^

pag may problem si Zandy, siya ang tumutulong sakin..

kung kami ni KD, ok na..

si Zandy, hindi pa..

nakakainis dahil hindi pa ata siya nakakamove on..

umiinom pa din siya..

nagagalit na nga sila tita at tito sa kanya..

pero hindi siya paawat..

ito pa,

last 2 weeks, umattend kami ng recognition ng batch namin para makuha yung card namin at malaman ang ranking namin sa batch..

masaya ako dahil rank 1 pa din ako..

pero..

si Zandy..

rank 3 na lang.

bumaba siya from 2 to 3..

nakaapekto daw kasi yung finals exam nya ehh..

kaya bumaba ang grades niya..

si KD..

siya ang umangat sa 2..

masaya din ako para kay KD

pero siyempre, malungkot para kay Zandy..

sa totoo lang, kaya niya akong mapalitan sa rank 1 ehh..

mas matyaga lang kasi akong mag-aral sa kanya.

normal na siguro sa mga lalaki ang may pagkatamad sa pag-aaral..

nung oras na malaman niya yung rank niya, alam ko, nalungkot siya..

inamin niya sakin na hindi siya masyadong nakaconcentrate dahil katabi niya si Krissy sa classroom.

naiinis ako, dahil kay Krissy,

grades niya naaapektuhan..

at ngayon, pati ba naman health niya??

bakasyon na at nandito kami ni Zandy sa L.A., California.

dito kami pinagbakasyon nila mommy at parents ni Zandy..

dito kami sa bahay ng angkong (lolo sa father side)  ni Zandy..

sabi kasi nila tita, mas makakabuti kay Zandy ang bagong atmosphere...

una ayaw ni Zandy pumunta dito..

pero nang sinabi kong sasama ako sa kanya, agad siyang pumayag.

ang ganda dito sa amerika..

madaming mga ibon na kung saan saan mo lang makikita, hindi kagaya sa Pilipinas, konti na lang yung mga ibong lumilipad..

Unlucky I'm In Love with My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon