Chapter 16. Knight

39 0 1
                                    

Sabrina's POV

Lutang ang isip ko ngayon. Sino ba namang hindi magiging lutang sa ginawa ni Zach? Hindi pa kasi tinuloy e sayang! Ng dahil sa adobo muntik na niya akong mahalikan. Ganun ba talaga niya kagusto yung adobong yun? Hays!

"Miss Hyun!"

Nabalik ako sa katotohanan nang marinig ko ang sigaw ni Ma'am Sungit.

"Y-yes Ma'am?"

" Kanina pa kitang tinatawag. Nasaan ba ang presensya mo?"

" Pasensya na po Ma'am may iniisip lang po."

" Define the meaning of model and give its kinds."

"U-uhmm.."

"What?"

Hala! Ano ba yung model na sinasabi niya?!

Isip..isip..Teka parang nabasa ko na yun a.

" Model is a useful simplification of a more complex reality that permits prediction. Pictorial or graphic, physical, mathematical or statistical and conceptual model are its kind Ma'am."

Phew! Muntik na yun ha.

" Good, you may sit."

" Ang talino mo naman Sabrina." puri ni Zane.

" Naku, hindi naman nabasa ko lang yun. "

" Ang galing mo naman nasaulo mo agad yun."

" Haha talent ko na ata yun e."

" Ganun ba? Share ka naman kahit konti."

" Hahaha loko ka talaga."

" Haha. Ang cute mo."

Feeling ko namula yung pisngi ko sa sinabi niya.

" Wag ka ngang mambola."

"Sino bang may sabing nambobola ako. Totoo yun." sabi niya sabay wink.

Ngumiti na lang ako sa kanya tapos tumingin na sa harap.

Maya maya nag-ring na ang bell hudyat na labasan na. Agad akong tumayo at lumapit kay Ally.

" Ally tara na."

" Tara."

" Wait girls sabay na ako sa inyo!" habol ni Zane samin.

" Bilisan mo, bagal!" sagot ni Ally.

" Eto na nga o init lagi ng ulo mo a, meron ka no!"

" Tse!" at inirapan siya ni Ally. Haha nakakatuwa tong dalawang to.

Habang naglalakad kami naririnig namin ang ilang nagbubulungan na kesyo bakit daw sumasabay sa amin si Zane, na naiinggit daw sila samin at yung iba umiirit pa.

" Iba na talaga kapag gwapo!" sabi ni Zane sabay kindat dun sa mga babae na lalong lumakas ang irit. Karindi mga te!

" Gwapo baka kwago!" singhal ni Ally.

" Ikaw, lagi mo na lang akong binabara. Ano bang problema mo sakin ha?"

" Mukha mo. Mukhang kwago! Hahaha" sabi ni Ally sabay takbo dahil hinabol na siya ni Zane. Tsk..tsk.. ang  dalawang to mukhang may patutunguhan e.

Nang makalapit ako sa kanila naabutan ko silang nagbabarahan na naman. Si Ally pinipingot ang tenga ni Zane habang panay naman ang pag-inda ni Zane.

" Hoy! Tumigil nga kayo! "

" Yes, boss!" agad na sagot ni Zane.

" Sab, una na ako ha. Nandito na ang sundo ko e. Bye!" paalam ni Ally.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 IN-ACCEPT NA AKO NI CRUSH!Where stories live. Discover now