Chapter 5. Transferee

18 0 0
                                    


Sabrina's POV

Haaay! Monday na naman, inaantok pa ako e *yawn*

Pero kailangan kong pumasok para makita si Zach hihi. So, ginawa ko na ang daily routine ko at bumaba na ako para kumain. Kumpleto kasi kami kaya dito ko naisipang mag-breakfast.

Nagpahatid na ako kay Manong. Actually, may kotse na ako pero hindi pa ako marunong mag-drive,tuturuan daw ako ni Kuya sa bakasyon.

Nandito na kami sa school at hinahanap na ng mata ko si Ally pero mukhang hindi na kailangan mas malakas ata ang radar nito kaysa sakin e. Papalapit na siya sakin.

"Hoy babaita! Bakit hindi ka nagparamdam nung weekends ha? Kinalimutan mo na ako" sabi niya ng may halong lungkot.

"Ano ka ba naman? Syempre hindi no, paano ko makakalimutan ang nag-iisang malaking bunganga katulad mo" sabi ko. Binatukan niya ko.

"Aray!Masakit yun ha"

"Malaking bunganga pala ha. Porke in-accept ka na nung masungit na Zach na yun gumaganyan ka na ha. "

Dahil maaga pa we decided to go to cafeteria hindi pa daw siya kumakain e.

" Ay bes hindi lang in-accept ni-replyan pa niya ako." sabi ko habang kinikilig.

"Talaga? kwento ka dali!"

Kaya kinwento ko nga sa kanya yung naging convo namin ni Zach.

"OMG girl! ikaw na talaga haha. Lume-level up ka na ha"

Ayun, tapos pinag-usapan din namin ang mga ginawa namin nung nag-family bonding kami. Habang naglalakad kami pabalik ng room may narinig kaming nag-uusap.

" Did you hear that? May transferee daw  sa G-11 Section A?" girl 1

"Oo nga,balita ko sobrang gwapo daw" girl 2

"OMG girls!, tara tingnan natin" girl 3

"Ano kaya yung pinag-uusapan nila? " Ally

"Transferee nga daw,bingi ka ba? "

"Maka-bingi to ah, ay naku girl kailangan ako ang unang makaalam nito. Got to go bye!"

" Ay iniwan ako, basta gwapo talaga ang bilis" sabi ko na lang at nagpatuloy ng maglakad.

Wait!Nakalimutan ko pa lang i-greet si Zach. Kaya kinuha ko yung phone ko.

Sab: Good morning:)

Walang dumating na reply kaya naman itinago ko na uli.

Pagpasok ko sa room..

Bakit ganito itsura ni Zach? At bakit hindi na siya nag-susungit? What's happening in this world?

Lumingon siya sakin, bakit iba ang awra niya ngayon?

" Hi, beautiful" sabi niya.

Waaa! Siya ba talaga to? E bakit kinausap niya ako? Di ba nga hindi niya ako kilala?

Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil hindi pa rin ako maka- get over. Hinila ako ni Ally papunta sa upuan ko.

"Huy! Anyare sayo? Tulaley ka diyan?"

" Si Zach ba yun? Bakit naging iba siya? "

" Santa Maria! Ako ba ang may crush sa  kanya o ikaw? Hindi mo man lang nahalata na hindi siya yun."

"E bakit kamukha? "

"Aba malay ko, baka kambal sila. Siya yung transferee na sinasabi nila."

" Ahh" sabi ko na lang habang nakatingin pa rin dun sa kamukha ni Zach.

May kakambal si Zach?

--------
Vote and share guys. Thanks☺😘

 IN-ACCEPT NA AKO NI CRUSH!Where stories live. Discover now