Chapter Seven

50.4K 1.1K 26
                                    

Kanina pa pinipigil ni kees ang pagtawa niya. At dahil doon, kanina pa rin siya hindi pinapansin ni Matteo. Nagising kasi siya na ubo ito ng ubo. Akala mo ay nabulunan. Nagsuka pa ito dahil sa mga chips na nasa bibig niya. At ang sama ng tingin nito sa kanya matapos maghilamos kanina.

Tahimik lang sila habang nakasakay silang dalawa sa cab papuntang KTX. Doon sila sasakay ng train papuntang busan.

"Gahn sah hahm ni da" pagpapasalamat ni Matteo matapos magbayad sa cab.

Nagyuko naman ng ulo ang driver. "Chon mahn eh yo."  Na ang ibig sabihin ay You're welcome.

Masyado siyang humahanga sa galing ng binata sa pagsasalita ng korean language. Na para bang sanay na sanay na ito. Idagdag pa na bahagyang nakasimangot ito habang nagsasalita. Nagmumukha tuloy itong korean professor na napakaistrikto. "Let's go." Nauna na itong maglakad sa kanya. Papasok sa station.

Bigla ay unti unting bumigat ang paa niya. Ang mismong nilalakaran niya ay ang lugar mismo kung saan sumakay ng Train si Gong Yoo ang bida sa hit horror-thriller movie na Train to busan. Naalala niyang takot na takot siya noon habang nanonood sila ni sheine sa sinehan.

Napakamatatakutin pa naman niya. Napahinto siya sa paglalakad ng makita niya na inisswipe ni matteo ang express card nito. Noon ito tumingin sa kanya. "Anong ginagawa mo d'yan? Tara na." Masungit na sabi nito. Pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa. Naaalala niya ang mga pasaherong naging biktima ng viral outbreak sa movie. Kung paano naging zombies ang mga ito.

"A-Ayoko.. " Mahinang sabi niya.

Kumunot ang noo ni Matteo. "Anong ayoko? Kanina lang nagmamadali kang umalis na tayo tapos ngayon ayaw mo na."

Umiling iling siya. Lumapit naman ito ulit sa kanya. "Ano bang problema ha?"

"Sa iba nalang t-tayo sumakay. W-wag d'yan." Pakikiusap niya. Para kasing naiimagine niya ang mga nangyari noon sa movie. Feeling niya totoo. Na kapag umupo siya ay may bigla nalang kakagat sa kanya.

"Wala tayong ibang masasakyan. Five hours and five minutes kung sasakay tayo ng bus mula Seoul hanggang busan. Naiisip mo ba 'yon?" Nagiwas siya ng tingin. Nakikita niya ang mga nagmamadaling tao papasok.

"P-Plane.. Bakit di nalang tayo mageroplano." Naisip niya na bakit nga ba hindi nalang sila nageroplano.

Napakamot na ito ng ulo. "Seryoso ka ba? We can't book a flight right now. Peak season ngayon at nasisiguro ko sayo na matatagalan bago tayo makasakay. At itong tren lang na ito ang makakapaghatid satin sa busan sa pinakamaikling oras."

Naiinis na tinignan niya ito. "Bakit kasi hindi mo na lang dinala ang sasakyan mo? Pwede naman magdrive papunta doon e."

"Four hours and seventeen minutes bago tayo makarating doon kung ako ang magmamaneho. Mabuti sana kung alam mo ang papunta doon." Balewalang sabi ng binata. Tila wala siyang lusot sa lahat ng sabihin niya dito.

Hinawakan siya nito sa kamay at saka inakay papalapit sa tabi ng rail way. May time board malapit sa passenger benches. Signal na malapit na ang train. Maya maya'y huminto ang tren sa harapan nila. Mas lalong nanlamig ang mga kamay niya. Paano kung may zombie sa loob? Para siyang gaga na kinakausap ang sarili niya.

Isa isang pumasok ang mga pasahero. Kung ikukumpara sa LRT sa manila. Ibang iba ang KTX. Dahan dahan nagsipasok ang mga tao sa tren. Siya naman ay inakay na rin ni matteo papasok. First Class seater sila.

Hindi siya komportable habang nakaupo sila. Napasimangot siya ng marinig niya ang bahagyang pagtawa ni Matteo. "Anong tinatawa tawa mo d'yan?" Mataray na tanong niya.

"I imagining you while watching the epic horror movie last year. Yung train to busan. Siguro takot na takot ka kaya ka ganyan." Hinampas niya ito sa braso.

"Ang yabang mo! Wala kang pakialam kung natatakot ako. B-Baka mamaya.. May.. May kumagat nalang sakin dito." Hindi na maipinta ang mukha niya.

Naramdaman niya ang paggapgap nito sa kamay niya. "Don't worry walang kakagat sayo. Hindi ka makakagat ng iba. Dahil ako lang ang kakagat sayo."

Inirapan naman niya ito. "kapal!"

"Di ka pa rin nagbabago. Matatakutin ka pa rin." Natatawang umiling iling ito.

"Kasalanan mo 'to! Kung saan saan mo ko dinadala. Ang sabi mo nasa Seoul si Nikita, ngayon naman nasa busan." Naiiritang saad niya. Sumandal nalang siya sa upuan at saka pumikit.

"Kilala ko ang pamangkin mo. Matalino siya." Napaisip din naman kasi siya. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ng pamangkin niya at nagawa pang maglayas ng ganito. Kung kailan malapit na ang kasal nito ay saka pa dinapuan ng Runaway bride syndrome ang utak nito.

Marahas siyang napabugtong hininga. "Hay.. Sana lang makita na natin siya doon. Ayokong mapasubo sa sitwasyong hindi ko gusto."

Nang linumgin niya si matteo dahil sa biglang pananahimik nito. Nakatingin ito sa kanya. Seryoso ang mukha. "Tama ka. Mahirap pumasok sa sitwasyong hindi mo gusto." pakiramdam niya ay may ibang ibig sabihin ang sinabi nito. Tumagos kasi hanggang sa kaibuturan ng pagkatao niya. Na pakiramdam niya ay patungkol sa kanya ang sinasabi nito.

Imbes na makipagtalo pa dito ay dinaan nalang niya sa tawa. "Gong Yoo ikaw ba 'yan?"

Seryoso pa rin ang mukha nito. "Hindi. Dahil mas gwapo ako doon."





To be continued...


--------

#TrenToBusan

GENTLEMAN series 6: Matteo SebastianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon