Chapter Six

48K 1K 14
                                    

Hinubad ni kees ang suot na apron at saka lumabas ng kusina. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng silid. Patay na ang ilaw. Tanging lampshade nalang ang nakasindi.

Dahan dahan siyang lumapit sa kama at umupo sa gilid niyon. Bahagya lang iyon lumundo. Dahil malaki ang kama. Kasyang kasya sila ni Matteo doon. Isa pa wala naman siyang matutulugan na magiging komportable siya. Kaya wala din siyang pagpipilian kung di ang mahiga at matulog sa kama na iyon.

Nilingon niya si Matteo. Nakatihaya ito at tulog na tulog. Nakakapagtaka na nakakatulog na ito ngayon na buhay ang lampshade. Noon kasi ay hindi ito makatulog kapag may liwanag ng ilaw ang nakikita niya.

"Ayoko ng madilim." Reklamo niya. Umaangal si matteo na patayin nila ang ilaw sa kwarto niya. Patulog na sana siya ng bigla itong dumating. Kaya lang sa bintana naman dumaan.

Hindi alam ng mga magulang niya na nasa loob ng kwarto niya si Matteo. At nasisiguro niya na kung malalaman ng mga ito ay baka pareho silang maigisa kinabukasan.

"Hindi ako makatulog ng may ilaw.kaya please patayin na natin." Nagsusumamong sabi nito. May payakap yakap pa.

"Hindi ka pala makatulog. E bakit ka pa nagpunta dito? May sarili ka namang kwarto sa bahay niyo." Sikmat niya. Imbes na sagutin siya agad ay nagsumiksik pa ito sa leeg niya. "Namiss kasi kita. At ilang araw nalang aalis na ko."

Medyo nagtatampo pa rin kasi siya dito. Kahit alam naman na niya. At nagkasundo na sila tungkol sa pag alis nito ay hindi pa rin mawala ang pagtatampo niya. Feeling kasi niya ay wala itong tiwala sakanya kaya aalis nalang ng hindi niya nalalaman. Although, nagpaliwanag naman na ito sa kanya. "Sus, nambola ka pa. E mukhang excited ka na nga e!" Tudyo niya na may halong sarkasmo.

Nag hindi ito sumagot. Humarap siya dito. Nakapikit ang mga mata nito. "Ano kaya kung sumama nalang ako sayo. Sa Florida nalang din ako magtatapos ng college. Para kasama kita." Sabi niya habang nakangiti.

Bahagya itong nagmulat. "Naisip ko na 'yan baby. Pero mukhang hindi papayag ang mga magulang mo. They want you to finish your college here. Kasama sila."

Napanguso siya. "Suggestion lang naman e. Malay mo pumayag sila."

Hinaplos nito ang pisngi niya. "And then what? Titira tayo sa iisang bahay? Na magkasama tayo? Kahit pa iyon ang gustong gusto ko. Pero paano ko naman papatuyan sa pamilya mo na karapat dapat ako sayo kung kukunin kita sa kanila ng wala pa akong nararating?"

May punto naman kasi talaga ito. Pero para kasing hindi niya kaya ang mawalay dito. "Don't worry baby... Kahit naman malayo ako. May internet naman. Madalas pa rin tayong makakapag usap."

She hold his promises. Lahat 'yon ay kinapitan niya. Pero anong nangyari? Nawala na ito ng parang isanv bula. Naputol ang kaisa isang taling pilit nilang pinagugnay. Tapos heto ulit ito ngayon. Pilit na ginugulo ang maayos nang takbo ng isip niya.

Bahagya itong gumalaw. Marahil ay naramdaman nitong may nakatitig dito. Tumagilid ito ng higa paharap sa kanya. Dagling nagbago ang mood niya. Bumalik sa isip niya ang mga pangiinis nito sa kanya. Ang mga pang aasar. Nang sabihin niyang gaganti siya ay totoong gaganti talaga siya.

Inisip muna niya kung paano. Nang mapansin niya ang bahagyang awang ng labi nito isang ideya ang pumasok sa isip niya. Dahan dahan siyang bumaba sa kama at ganun din sa paglabas ng silid. Mabilis niyang binuksan ang cupboard at kinuha ang pack ng corn chips na nakita niya doon. Dinurog niya iyon ng pinong pino.

Nakangising binuksan niya ang pakete at saka bumalik sa loob ng silid. Ganoon pa din ang posisyon ng binata nang makabaljk siya. Sumampa siyanh muli sa kama at gumapang papalapit dito. Hinaplos muna niya ang gilid ng labi nito para mas umawang pa ng kaunti.

Lihim siyang napangiti. Dahan dahan niyang isinuot sa loob ng pakete ang kamay niya at kumuha ng isang kurot ng dutog durog na chips at dahan dahan naman niya iyong inilagay sa nakaawang na labi ng binata. "Ano? Lagot ka ngayon. Ang yabang yabang mo kasi e."

Lihim siyang napapabungisngis. Tuwang tuwa na nakikita niyang nakanganga ito habang may mga lamang chips ang bibig. "Infairness sayo Mr. Mayabang na hambog e mukha ka pa rin namang gwapo." Mahinang pagkausap niya sa sarili. Mahirap na baka gising na pala ito o magigising agad.

Hindi pa siya nakontento, bumaba ulit siya sa kama at binuksan ang hand bag na dala dala niya kanina. Kinalkal niya ang laman niyon at i ilabas ang lipstick niya.

Lumapit siya dito at ginuhitan niya ang mukha nito gamit ang lipstick. Nang matapos siya sa kanyang obra. Kinuha naman niya ang smartphone niya at saka kinunan ito ng litrato.

Pinakatitigan niya ang kuha. "There! I got my souvenir from you. Mas pogi ka pala dito." Napabungisngis siya. Saka masayang nahiga sa kanang bahagi ng kama at saka siya tumagilid ng higa. Paharap dito. "Goodnight baby boy.."



To be continued...




------

Love is not selfish. Hindi lahat ng couple or partners ay magkakapareho. Minsan mas nagiging successful pa ang isang relasyon kapag ang magkarelasyon ay maraming pagkakaiba. Doon kasi nasusubok ang pagpapahalaga nila sa bawat gusto o desisyon ng bawat isa. Give and take rule. That's the law of sharing.

Happy reading
Ai:)

GENTLEMAN series 6: Matteo SebastianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon