MTB5: "Revelations"

410 39 26
                                    

conti....

"Happy second anniversary," pabulong na bati ni Nicole kay Josh. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito. Napahagikgik siya nang makita ang pagkunot ng noo nito. Umupo siya sa tabi nito at katulad ng dati'y inilagay niya ang hintuturo sa noo nito, tinanggal ang pagkakakunot at ipinorma namang ngiti ang labi. Dalawang taon niya na itong ginagawa sa tuwing sinasalubong siya nito ng nakakunot-noo.

Akalain mo 'yon, nakatagal ka ng dalawang taon sa kanya. Pero hanggang ngayon ay unofficially yours pa rin ang drama n'yo, sabi niya sa sarili.

Wala silang opisyal na relasyon pero masasabi niyang higit pa sa magkasintahan ang turingan nila kahit na sabihin pa na ang relasyon nila ay nananatiling hanggang sa rooftop lang muna. Kapag nasa ibang lugar kasi sila ay parang hindi sila magkakilala. Well, iyon naman kasi ang hiling niya kay Josh, maayos naman sila kahit ganoon, minsan nga lang ay nakakainis na isipin na sila na pero parang hindi naman.

"Here," sabi niya sabay abot ng isang box dito.

"What's this?" tanong nito. Seryoso ito ngayon. It looked like there was something odd about him at parang may mali sa ikinikilos nito.

"Advanced graduation gift ko sa'yo. Simple lang 'yan pero sana magustuhan mo. Pinagtulungan naming gawin 'yan ni Ate Diana," paliwanag niya.

Isang wood carving na may nakaukit na katagang "I love you," ang laman ng box na iyon at sa oras na buksan ni Josh ang box, ay iyon ang kauna-unahang pagkakataon na sasabihan niya ng "I love you," ito.

Hindi siya pinansin nito kanina ng makita siya nito sa library dahil siguro sa mga kasama niyang kaklase. Nagkaroon lang siya ng pagkakataon na lumapit dito nang kumuha ng libro ang mga kasama niya, nilapitan niya lang ito at binati ng "happy anniversary," pagkatapos ay bumalik na siya sa puwesto niya dahil alam naman niyang magkikita naman sila ngayon sa rooftop.

Pero ngayon na nandito na siya bakit parang may iba kay Josh.

"Ano 'yong sinabi mo kanina?" untag na tanong nito sa kanya seryoso pa rin ang mukha nito.

Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? Nakaramdam siya ng disappointment dahil akala niya ay matutuwa ito dahil binigyan niya ito ng regalo pero parang may iba dito ngayon. Hindi niya na lang iyon ipinahalata.

"Here?"

"No. You were saying something."

"Oh, I said, 'happy second anniversary," ulit niyang nakangiti pa.

"Why? Tayo ba?" sabi nito.

Napanganga siya sa pagkabigla dahil sa tanong nito. Nakaramdam siya ng pagkapahiya kay Josh at sa sarili niya. Pero mas nangibabaw pa rin ang sakit na dulot ng paraan ng pagtatanong nito sa kanya.

"Hindi mo naman siguro iniisip na tayo na 'di ba?" sabi pa nito.

Parang may bumarang kung ano sa lalamunan niya at hindi siya makasagot sa mga tanong nito. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga naririnig niya ngayon mula rito. Ibig sabihin ay siya lang ang nag-iisip na may "something deep" sa kanilang dalawa? Ibig sabihin hindi nito iniisip na maging sila? At higit sa lahat ibig sabihin ay siya lang ang nagmamahal sa kanilang dalawa? Ano pala ang mga moment na pinagsamahan nila?

Ano ba ang akala nito nag-lalaro lang kame? Biro-biruan lang ba para sa kanya ang mga pinagsamahan namin? Ano 'to? Pinaasa lang niya ako! naghihinagpis na sabi ng isip niya.

Tumayo siya mula sa kinauupuan at kinuha ang regalong ibinigay niya rito. Wala nang rason para makita nito ang laman niyon. Ayaw niya nang marinig pa ang mga sasabihin nito dahil baka lalo lamang siyang masaktan. Kailangan na niyang makaalis doon bago pa sumabog ang emosyon niya.

Meant To BeWhere stories live. Discover now