MTB4: The "Kiss"

436 38 9
                                    

conti...

Excited si Nicole sa magiging agenda ng pagkikita nila ni Josh ngayon sa rooftop. Nasa itaas lang iyon ng library nila. Bawal umakyat ang mga estudyante roon pero naging mabait sila ni Josh sa mga guwardiya at binibigyan nila ito ng kung ano-ano kaya pinayagan sila ng mga ito na tumambay roon, tinuruan pa sila ng mga ito kung paano pumunta roon ng walang nakakakita. Kaya naging exclusive at opisyal na nilang tambayan ang rooftop na iyon.

Sa lilim ng malaki at mataas na puno na umaabot sa rooftop pumuwesto sina Josh at Nicole. Walang makakakita sa kanila roon dahil natatakpan sila ng lilim ng puno. Sa rooftop na iyon nabuo ang pagkakaibigan nila ni Josh at malapit na ring mabuo ang "pag-iibigan" nila.

Magkakaroon sila ng isang "getting-to-know-me" game ni Josh. May mga bagay na alam na sila sa isa't isa pero napagkasunduan nilang alamin pa ang gusto at ayaw nila. Paraan nila iyon para marami silang mapag-usapan.

Alam na niyang ayaw ni Josh ng ketchup at mayonaise dahil ayaw nito ng amoy ng mga iyon. Kumakain ito ng spaghetti at pizza pero dapat ay walang ketchup ang mga iyon. Kumakain ito ng burger pero walang mayonaise. Naalala pa niya ang isang eksena noong minsang pinipilit niya itong isawsaw ang French fries na dala niya sa pinaghalong ketchup at mayonaise na dip nito.

Josh was eating the French fries she bought, pero ayaw nito ng dip dahil mabaho daw kaya pinipilit niya talaga ito baka kasi magbago ang isip nito kapag natikman niya na ang lasa niyon. Isinawsaw niya ang isang pirasong fries sa dip. Hinintay niyang bumuka ang bibig nito pero naramdaman ata nitong may gagawin siya kaya tumigil ito sa pagkain.

"Josh, one time lang, please? Masarap siya. Trust me," udyok niya dito habang inuumang ang fries sa bibig nito.

"No ayoko talaga," sabi nito. Sinimangutan niya ito at sinawsaw niya ang daliri niya sa dip saka niya iyon idinikit sa sulok ng bibig ni Josh. Pinorma niya iyong isang ngiti. Tumawa siya ng malakas nang makita niyang kumunot ang noo nito sa sobrang inis. Ganoon na lang ang gulat niya ng isinawsaw ni Josh ang daliri nito sa dip at may iginuhit sa pisngi niya. Kinuha niya agad ang pocket mirror niya at tiningnan kung anong nilagay nito. She almost cried with glee when she saw a heart on her cheeks....

Mula noon ay hindi niya na pinilit itong kumain niyon. Marami naman itong ibang kinakain. Lahat ata ng klase ng prutas ay kinakain nito.

Alam nito halos lahat ng sports maliban sa fencing at racing ayaw daw kasi nitong nagsusuot ng helmet. Pakiramdam daw kasi nito ay hindi siya makahinga tuwing may suot na ganoon.

May maliit ding pilat si Josh sa noo na nakuha nito nang magkamali ito sa pag hakbang sa hagdanan hindi mahahalata ang pilat niyon kung sa malayo pero kapag tinitigan mo ang mukha nito ay mapapansin iyon.

Katulad ng dati ay nauna nanaman ito sa kanya roon. Nagbabasa na ito ng libro. Alam nila ang schedule ng isa't isa na pareho nilang sinang-ayunan ng mag-enroll sila pareho ng semestreng iyon --- kaya nakahahanap sila ng oras kung kailan sila magkikita.

Hindi pa nila nasusubukang lumabas --- para mag-date --- dahil delikado iyon para sa kanya baka malaman pa ito ng pamilya niya at ilayo siya ng mga ito kay Josh. Hindi niya iyon makakaya.

Tuwing may bagong palabas na pelikula ay sa magkaibang sinehan sila nanonood at pagkatapos ay  pinagkukuwentuhan na lang nila iyon sa rooftop. Pagdating naman sa pagkain ay ipinagbibigay-alam nila sa isa't isa kapag may nakita silang sa tingin nila ay masarap. Iyon nga lang, hindi sila kumakain sa mismong restaurant dahil baka may makakita sa kanila.

"You're late," seryosong sabi ni Josh.

She rolled her eyes as she glanced at her wristwatch. Lagpas alas-kuwatro na. "Five minutes lang naman," sagot niya rito.

Meant To BeWhere stories live. Discover now