MTB3: "Cold but Sweet"

335 31 11
                                    

8 years ago....
continuation...

"Anong ginagawa mo dito and what's this?" nakakunot noong tanong ni Josh kay Nicole. Habang nakatingin ito sa iniabot niyang box na may ribbon pa.

"Cookies," sagot niya at umupo nang pa indian sit sa harap nito. Isinabuhay niya kasi ang mga nakasulat sa librong ibinigay sa kanya ni Amy. Ayon sa fact number twenty-eight --- a way to a man's heart is through his stomach, magugustuhan ng isang lalaki ang isang babae kung marunong itong magluto. Madali lang iyon para sa kanya dahil mahilig siyang magluto kaya nga HRM ang pinili niyang kurso at isa pa meron silang restaurant.

Nang mga nakalipas na linggo ay nahirapan siyang lapitan si Josh sa tuwi kasing papasok ito ng library at makita siyang naroon ay agad itong lumalabas. Hindi niya ito maaring habulin dahil baka may makakita sa kanya at malaman ito ng mga kuya niya.

Hindi niya kasi alam kung kailan umaaligid ang mga kuya niya sa eskuwelahan nila. Noong minsan kasing nagkaroon siya ng vacant period at niyaya siya ng mga kaklase niya para mag mall ay nalaman ng Kuya Rocco niya, kaya ayun napagalitan siya ng mga magulang.

Bukod kasi sa restaurant ay mayroon din silang detective agency, kung siya ay sa mama niya tumutulong ang mga kuya naman niya ay sa papa nila at nag aaral ang mga ito para maging mga mahusay na detective. At natural lang sa mga ito na bantayan siya kaya siya nag-iingat ng husto.

Nang tanungin nga siya kanina ng mama niya kung para kanino ang mga cookies na ginawa niya ay sinabi niyang para sa mga kaklase niya ito. Mahigpit ang bilin ng mga magulang niya sa kanya na bawal pa siyang mag boyfriend. Makakapaghintay raw ang mga lalaki. Ngunit siya ata ang hindi na makapaghintay para dito.

Nagbago nang paboritong puwesto si Josh nang mga nakaraang linggo hindi niya ito matunton, kung hindi pa niya narinig ang pag-uusap ng dalawang guwardiya sa labas ng library at sinabing nasa rooftop daw si Josh ay hindi pa niya ito mahahanap. Tinangka niyang umakyat agad doon pero pinigilan siya ng mga ito, bawal daw roon ang mga estudyante mabuti na lang at mabilis siyang mag-isip kaya tinakot niya ang mga ito na kapag hindi siya pinapunta doon ay magsusumbong siya sa Admin ng eskuwelahan sapagkat pinayagan ng mga itong pumunta roon si Josh eh estudyante rin naman ito. Kaya sa huli ay pinayagan na rin siya ng mga ito.

Hindi niya kinulit si Josh nang makita niya itong natutulog sa malilim na bahagi ng rooftop. Sinabi rin niya sa mga guwardiya na huwag sasabihin rito ang pagpunta niya roon. Naghanda muna siya ng isang regalo para dito bago magpakita para ma impress ito sa kanya. Kaya niya ito pinag bake ng cookies.

"Hindi ko kakainin ' yan," masungit na sabi ni Josh sa kanya.

"Wag kang mag-alala, walang gayuma 'yan kaya safe mong makakain 'yan."

"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong nito sa kanya.

"Nagmana ata ako sa tatay ko na isang detective kaya marunong akong maghanap ng mga taong nawawala, nagtatago at umiiwas. Kaya next time, 'wag mo ng tangkaing umiwas at magtago dahil makikita at makikita pa rin kita."

"Hindi ako umiiwas at nagtatago. Gusto ko lang talagang matulog. And I won't be able to sleep in the library or any part of this school with people watching my every move," paliwanag nito sa kanya.

"So, kaya ka lumipat ng tambayan para lang matulog?"

"Lumipat ng tambayan? Hindi naman ako lumipat, gusto ko lang talagang matulog. At dito sa rooftop pinakamasarap matulog dahil malayo sa ingay ng mga estudyante at sa mga mapanuring mata ng mga tao," makahulugang sagot nito sa kanya.

"Pagod ako sa trabaho kaya kung may konsensiya ka, umalis kana rito nang maka pagpahinga na ulit ako," pagtataboy nito sa kanya.

Hindi siya natinag sa sinabi nito. "Alam mo bawal umakyat dito? Isusumbong ko kayo sa Admin," pagbabanta niya.

Meant To BeWhere stories live. Discover now