CHAPTER 40- ANOTHER CONTRACT

Start from the beginning
                                    

Lumipas ang buong araw na hinihintay ko lang siya sa cottage. Inabot na ako ng gabi sa kakaantay pero wala pa siya. Napasugod na naman ako sa villa at nakita ko silang masayang masayang naglalaro ng uno cards.

“wala pa ba talaga si eros?” para naman ako nitong tanga. Ganun ba kalaking bagay ang nasabi ko sa kanya kagabi para maglayas siya? Parang naglalambing lang naman ako eh. Kung ayaw niya akong ligawan... edi wag niya!! Pinipilit ko ba siya?? Di naman diba?

“girl, relax. Parang isang araw palang nawawala si seph miss mo na kaagad. Six years nga nagawa mong matiis siya. Isang araw pa kaya?” tama si charm. Pero, mag aantay na naman ba ako ng six years bago siya bumalik.

A week have passed pero,  ni anino ni eros wala akong nakita. Umalis na kami ng resort na masama ang loob. Yung tipong lahat sila enjoy ako lang ang hindi.

Balik sa normal ang buhay ko. magigising ng maaga, papasok sa opisina, uuwi ng gabi, matutulog. I just realized how boring my life without eros in my everyday life. I also tried to contact his phone pero palaging out of reach. Pakiramdam ko tuloy bumalik lang siya dito sa pilipinas para lang kunin ang V ko tapos bumalik na ng america para pakasalan ang babaeng mahal niya talaga. And this confirms me.

“iha, hindi ba sinabi ni eros sayo? Bumalik na siya ng america with clarisse.” Halos mapaluha ako nung sinabi ni tita sa akin yun. Nandito ako ngayon sa company namin, para itanong kung nasaan na ba si eros. YES!! Company namin. Natuloy na ang merge na gusto ng mga espartinez at ferrer before pa maaksidente ang mga magulang namin. Dito na rin ako nagtatrabaho at ganun na din si kuya.

Lumabas ako ng opisina ni tita ericka na parang pinagbagsakan ng buong mundo. Gusto kong umiyak, magwala at magpakamatay. Eros just left me dumbfounded.

Days passed, weeks passed pero, walang eros joseph ferrer na umuwi sa pilipinas. I am still hoping na babalik siya. Just like the six years na dumaan. HOPE... yan nalang ata ang natitira sa akin ngayon bukod syempre sa pagmamahal ko para sa kanya.

WATCH OUT! MS. MAN HATER (WHEN THE CASSANOVA MEETS THE MAN HATER)Where stories live. Discover now