CHAPTER 10 COMFORT HER

18.6K 216 25
                                    

wahahaha... ayan tapos na ang prelims :))

ang ganda ko!!

wahahahha

wag niyo na tanungin kung ano nangyari basta yun na yun... wahahah

eto na ang update dahil may nangulit :))

salamat sa support :))

READ COMMENT AND VOTE :))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 10

COMFORT HER

BRIDGETTE’S POV

 

Hinila ako ni eros palabas ng mall. Ano ba kasing problema nito? Pagkalabas namin ng ball, isang malakas na ulan ang sumalubong sa amin. Akmang hihilahin pa niya ako sa ulan pero, pinigilan ko siya.

“Eros, what the hell is the problem? Nakikita mo bang malakas ang ulan? Gusto mo bang magkasakit tayo?” nakakainis na kasi. Para siyang bata. Hindi na ata siya nag iisip.

“I’m sorry. B-bumalik ka nalang sa kanila.” Biglang nagbago ang aura ni eros. Para bang bigla nalang itong lumungkot. May nasabi ba akong mali? Maglalakad na sana siya ulit sa ulan pero, hinawakan ko ang kamay niya.

“ano bang problema ha?!” bakit ba kasi hindi nalang niya sabihin sa akin ang problema para indi ganyan na para siyang timang na susugod sa ulan.

“hindi ko rin alam ang problema ko Bridgette! I just want you.” Biglang nagbago ang tono ng pananalita ni eros. Tumakbo siya at sumugod sa ulan.

“EROS!! WHAT THE HECK ARE YOU DOING?!” wala na rin akong choice kaya sumugod na rin ako sa ulan. Hinawakan ko ang kamay niya at inarap sa akin. Kahit na mas matangkad siya sa akin, nagawa ko paring iharap siya.

“Bridgette. Ayoko na. I don’t want to fall for you. Pero, the more na dinidistansya ko ang sarili ko sayo, the more na nahuhulog ako sayo.”

DUG DUG

DUG DUG

What te heck is he talking about? Malamig ang paligid pero pakiramdam ko ay uminit dahil sa mga salitang binitiwan niya.

Mahal na ako ng lalaking to? Pero bakit?

“Eros stop.” Yun nalang ang lumabas sa bibig ko. Kahit ako, ayoko na ring magmahal pa. hindi ko alam na tumutulo na pala ang luha ko.

“lumayo ka na sa akin eros. Ayoko nang masaktan pa. please stop habang maaga pa dahil kung hindi b-baka….” Ayoko nang sabihin kung ano man ang pumasok sa isip ko. Ayoko na siyang bigyan ng pag-asa.

WATCH OUT! MS. MAN HATER (WHEN THE CASSANOVA MEETS THE MAN HATER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon