CHAPTER 32- I BEGGED YOU

13.1K 135 2
                                    

waaaahhhh!!! LAST 8 CHAPTERS AND GOODBYE WATCH OUT !!!!

hahahahaha

goodluck sa atin :))

salamat talaga sa mga sumuporta at hindi bumitaw hanggang dulo :)) salamat na marami :))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 32- I BEGGED YOU

 

BRANDON’s POV

 

Maaga akong umalis ng bahay. Plano ko ngayong pumunta ng presinto para ipahanda na ang lahat laban sa mga magulang ni elisse. Sinilip ko na muna si bridgette at tulog pa siya. Naaawa ako sa kanya. Sana hindi ko nalang ginawa ang lahat ng ito. Napakamakasarili ko.

Nagdrive ako papunta sa sementeryo. Gusto ko muna silang dalawin para humingi ng basbas mula sa kanila.

“mommy, daddy.” Naupo ako sa tapat ng puntod nila.

“ma,dad... mabibigyan na din ng katarungan ang pagkamatay niyo.” Tinanggal ko ang shades ko at hinaplos ang lapida nila. Bumalik sa isip ko ang mga huling  salitang binitiwan nila.

“carl..... si ericka.... a-at.... steven...fe-ferrer....”

Sa loob ng siyam na taon, pabalik balik ang mga katagang iyon sa utak ko...alam ko, sa tono ng pananalita nila, ang mag asawang yun lang ang may kasalanan.

“ma, dad...ma-mahal....mahal na mahal ko si elisse....” tumulo na ang luha ko... ang sakit sakit na ang pamilya pa ng taong pinakamamahal ko ang dahilan ng pagkawala ng mga magulang ko.....

Naramdaman ko ang pag ihip ng hangin. Para bang hinahaplos nun ang balat ko. nanayo ang balahibo ko sa batok pero hindi ako dinapuan ng takot, sa halip, naiyak pa ako. Alam kong nasa tabi ko sila.

“ma..... hindi...hindi ko ata kaya.....” muli pang umihip ang hangin at parang mas lalo akong niyakap nito.

“ma..... hindi ko na alam ang gagawin ko...please... tu-tulungan niyo po ako....” para akong batang umiiyak at humahagulgol sa harap ng mga magulang ko...

Nang mahimasmasan na ako, umalis na ako at tumungo sa presinto. Pinakita ko sa kanila ang mga ebidensya ko kasama ko din ang abogado ko.

Agad agad nilang hinanda ang warrant of arrest laban sa kanila. Ang sikip sikip ng dibdib ko, at parang pinipiga na ang puso ko. labag sa kalooban ko ang mga nangyayari. Matagal tagal akong naghintay sa loob ng presinto at nakita kong pinasok na ang mag asawa. Nagtago ako at pinapanuod ang lahat ng nangyayari. Lalo ko pang tinago ang sarili ko ng nakita kong pumasok si elisse at ang abogado nila. Pumasok din sila sa isang kwarto doon para mag usap. Nakinig ako sa kanila at maya maya pa ay nagbukas na ang pinto. Accidentally, elisse bumped me.

WATCH OUT! MS. MAN HATER (WHEN THE CASSANOVA MEETS THE MAN HATER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon