Ka-IBIGAN

1.2K 18 2
                                    

VIII






Tagapagsalaysay:

Nasa pizzaria ngayon sina Haina at Ella dahil pinangako nga ni Haina na ililibre niya si Ella sa kanyang birthday.
09:30pm na sa orasan ni Ella. Maaga kasi silang umalis sa birthday party ni Mj.
At okey lang naman na mag-stay sila ng medyo late dahil linggo naman bukas.

Kasalukuyan silang umu-order ng kanilang kakainin.

"Oh, wifey, order ka lang hah. Ako na bahala sa gagastusin." Pagsisimula ni Haina at sabay pataas-taas ng kilay kay Ella. Weirdo talaga 'tong si wifey, isip niya.

"Sure ka ba talagang okey lang sayo? Alam mo wifey, I admit na paminsan nagiging makapal ang mukha ko sayo pero, hindi mo naman kailangan gawin 'to para lang sa birthday ko."

"Ambag-ambang nalang tayo kung hindi mo kayang magbayad hah?" Dagdag pa ni Ella.

"Sus! Ngayon kapa na hiya. Eh, wala kanaman ng hiya." Pagbibiro ni Haina kay Ella. "Joke!✌" sabay bawi nito.

"Pero ung totoo, okey lang talaga wifey...at wala naman akong nabiling regalo sayo e. Kaya eto nalang wag mo ng tanggihan." Ani ni Haina.

"Hindi naman ako tumatanggi wifey, kaw naman. Sabi ko lang kung hindi mo kaya patak-patak nalang tayo." Pagkaklaro ni Ella.

"Eishh! Basta!! Mag-order nalang tayo. Uhm, waiter!!" At tuluyan ng nag-order ang dalawa.

Nag-order lang si Haina ng one small Pepperoni pizza dahil hindi naman niya talaga mauubos kung medium.
Sa kabaliktaran naman, nabigla si Haina ng um-order si Ella ng limang medium pizzas. Isang pepperoni pizza, mushroom cheese pizza, dessert chocolate pizza, combo pizza at 4 in 1 pizza.

"Wifey, limang pizza?! LIMANG PIZZA?!" Mahinang pasigaw ni Haina kay Ella ng makaalis na ang waitress

"Oh? Bakit? Diba sabi mo um-order lang ako? Edi um-order lang ako. Lima nga lang." Sarakstikong sagot ni Ella.

"Nang sinabi kong "um-order ka lang" ang ibig kong sabihin, mga dalawa o di kaya isa lang!"

"At tska isa pa, mauubos mo ba ung limang pizzang un?!" Kunot noong tanong ni Haina kay Ella.

"Abay, siyempre! Ako pa!" Proud na proud na ani naman ni Ella.

"Well, sa bagay..sinabi nga ni tita na pinaglihi ka sa crocodile." Biglang naalala ni Haina ang sinabi ng nanay ni Ella dati. Dahil totoo naman, ipinaglihi naman talaga ito sa crocodile. "Ginalingan mo rin kasi sa pag-oorder." Pagbibiro ni Haina sa kaibigan.

"Grabe siya." Mahinang sagot pang ni Ella.

Nang dumating na ang kanilang order, bigla namang na muroblema si Haina. Hindi dahil sa babayaran niya, kundi sa munting kahihiyan na idudulot ni Ella sakanya. Ang iba kasi ay kasalukuyang tumitingin sa kanila at tila tinatanong ng kanilang mga mata kung "bakit?" "Bakit dalawa lang sila pero ung in-order nila ay higit pa sa dalawang tao?"



































Kaya sabi ni Author; (napaka judgmental ng mga tao nowadays.)




































Natapos naring kumain si Ella at Haina. Si Haina naman kahit isang small pizza lang ang in-order ay hindi niya pa naubos..well actually naubos din dahil kinain ni Ella ang natira. "Sayang naman ito, ang dami-daming nagugutom na tao sa mundo tapos ikaw tatapon mo lang? Tsk tsk!" Makabuluhang ani ni Ella at sabay subo ng dalawa pang natitirang pizza.

Not Only You & Me (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon