Daot

1.2K 26 3
                                    

VI



Tagapagsalaysay:

Aligaga na sa pagaasikaso ng mga bisita sina Mr. at Mrs. Pandara. Ngunit, kabaliktaran naman si Mj na kanina pa hindi mapakali habang hawak-hawak ang kanyang telepono. Napansin naman ito agad ng kanyang Ina at nilapitan ang anak.

"Anak, kanina ka pa hindi mapakali diyan. Ok ka lang?" Alalang tanong ni Mrs. Pandara at sabay haplos sa likuran ni Mj.

"Ah, wala ma. May hinihintay lang ako." Sagot ni Mj sa kanyang ina habang palinga-linga parin na parang may hinahanap.

"Darating din sila 'nak, wag kang magalala." Pagkokomporta ng Ina ni Mj sakniya.

Pagkatapos ng paguusap ng mag-ina, umalis na muli si Mrs. Pandara para i-asikaso muli ang naiwang mga bisita.






..[07:34pm]..

Balisa paring naghihintay sa labas si Mj para salubungin ang dalawa niyang mahahalagang bisita. Napukaw naman bigla ng kanyang atensyon ang isang Lamborghini na kulay dilaw.

Agaw pansin ito para sankaya at mas naging agaw pansin pa ito ng may lumabas sa loob ng kotseng iyon.
Bigla naman siyang sumigla at sumaya ng makita ang babaeng lumabas galing dito.

It was Jade, his childhood friend. Minsan na silang ipinagkasundo ng kanilang mga magulang na ikasal ngunit, tutol naman si Mj dito mula noon dahil nga magkaibigan lang sila ni Jade. Kahit na may tinatagong pagmamahal si Jade kay Mj ay mas pinili niya paring maging magkaibigan lang sila dahil ayaw niyang mawala ang 'closeness' nilang dalawa.

Nang mapagtanto ni Mj na si Jade nga iyon, napabalikwas naman siya ng tayó at nagtungo sa direkson ni Jade at binigyan ito ng mahigpit ba yakap.

Matagal na kasi silang hindi nagkikita dahil nakatira si Jade sa UK, London at si Mj naman ay sa States. Kapwa silang busy sa pagaaral, at kung paminsan pa ay dinadala sila ng kanilang mga magulang sa kanikanilang kumpanya para ihasa na sila. Dahil sila ang magiging tagapag mana nito sa kalaunan.

Kaya naman paminsan wala na silang time para kamustahin manlang ang isa't isa. Kaya naman talagang abot langit ang saya na nararamdaman ni Mj ngayon.

"Jade! OMG! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Mj kay Jade ng may puno ng saya.

"Of course! Papalampasin ko ba ang birthday ng best friend ko?!" Masayang sagot ni Jade.

"But, ho-how did you know kung saan kami nakatira." -Mj.

"Well....tinawagan lang naman ako ng my very favorite auntie and uncle." -Jade

"They invited me to come. Kaya, of course I can't say "no" to them. And specially, its your birthday anyways." Dagdag pa niya.

"Jezz! Why didn't you tell me na pupunta ka ngayon? Sana nakapaghanda man lang ako." Seryosong sagot ni Mj.

"Well, kapag sinabi ko sayo na pupunta ako ngayon..it won't be a surprise anymore." Sagot ni Jade.

"Haist. Ikaw talaga, mahilig ka sa mga supresa." -Mj

"Ako pa ba? Alam mo naman ang lakas ng tama ko sayo, diba?" Pabirong sagot ni Jade.

"Naks naman bai! But..I missed yo--" naputol naman si Mj ng biglang may pumarada na tricycle at lumabas dito Una si Haina.

"Hello, Mark Jill!!" Pagbati ni Haina kay Mj.

"Haina, buti't nakarating ka. Wait, nasan si Ella?" Nang itanong naman iyon ni Mj, bigla namang bumaba si Ella at sabay binayaran ang tricycle na kaninang sinakyan nila.

Not Only You & Me (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon