Chapter 30

3.5K 55 2
                                    

Chapter Thirty

Hay! Bat ba di ako makatulog kanina pa ako pagulong gulong dito sa kama ko.

Nakakainis naman kasi yung dalawang yun!

"Gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang althea"

Hay kainis naaalala ko nanaman.

3 am na hanggang ngayon di pa ako nakakatulog.

Hay bahala na nga pipilitin ko nalang matulog.

Bumangon na ako kaagad sa pagkakahiga ng marinig ko ang tunog ng alarm clock ko.

Natapos na ko magbihis ng dumating si Mio para sunduin ako.

"Good Morning althea" ang sabi ni Mio habang binubuksan ang pintuan ng kotse.

"Good Morning din" ang sabi ko naman at sumakay na ng sasakyan.

Habang nasa byabe kami ay nakapikit lang ako at di nagsasalita. Inaaantok talaga ako paano kaya ako magsasagot ng exam mamaya.

Bumaba na kami ni Mio ng sasakyan at sabay na nagpunta sa room.

Pagkasok namin ay may flowers na nakalagay sa upuan ko. Nilapitan ko at kinuha.


"Good Morning Althea. Have a nice day." Ganyan ang nakasulat kay andrew pala galing ang flowers.

Lumapit sa akin si Mio at tinanong kung kanino galing sinabi ko na kay andrew at bigla na siyang umalis at nagpunta na sa upuan niya.

Nag exam na kami ng dumating si Sir at tinapos naman namin kaagad.

Last exam namin at last day na para sa 2nd semester. Ano kayang balak ni Mica para sa bakasyon.

Lumapit sa akin si Mio pagkatapos niyang magsagot ng exam at tinabihan ako.

"Bat ka binigyan ng bulaklak ni Andrew?" Bigla niyang tanong habang nakatingin sa akin.

Humarap naman ako sa kanya at sinabing hindi ko alam.

Di ko kasi masabi na nanliligaw na din si andrew.

Ang hirap naman kasi ng ganito eh paano ba ito pati kay mica di ko pa nasasabi.

Lumapit sa amin si Mike at sinabi niya nasa labas si andrew at hinahanap ako.

Patayo na sana ako ng hawakan ni Mio ang kamay ko.

"Sasama ako" ang sabi ni Mio. At sabay kaming naglakad papunta sa labas.

Nakita naman namin pareho si andrew na nakatayo at nakasandal sa pader.

"Andrew" tawag ko sa kanya at agad naman siyang napatingin. Tumingin din siya kay Mio at nagtama ang kanilang mga mata.

Napalunok ako dahil sa tinginan nila.

"Tara kain tayo?" Sabi ni andrew na nakatingin sa akin.

Hindi ako nakasagot kay andrew dahil bigla akong hinila ni Mio at naiwan si andrew pero ng lumingon ako ay sumusunod siya.

Dumating kami sa canteen at halos lahat ng tao ay nakatingin sa amin.

Wala akong idea kung bakit pero naririnig ko sa mga bulongan nila na kami ang pinag uusapan nila.

"Siya ba yung nililigawan ni Andrew?" ang sabi ng isang babae habang nakatingin sa akin.

"Nililigawan din daw siya ni Mio eh" ang sagot naman ng isang babaeng kausap nila.

"Sino kaya ang sasagutin niya?" Sabi ulit nila.


Pagkatapos namin bumili ng pagkain ay umupo na kaming tatlo.

Bigla namang nagsalita si Mio kaya napatigil ako sa pagkain

"Nililigawan mo rin pala si althea ?" Ang sabi niya habanag nakatingin kay andrew.

Ngumiti naman si Andrew at tumango.

"Tsk." Sabi ni Mio.

Napapalunok nalang talaga ako.

Bat ba nangyayari to sa akin. Ang sama ng tinginan nilang dalawa parang gusto ko na silang iwan dito kaya lang sayang yung pagkain.

Be My ManWhere stories live. Discover now