"Ci-N!" Tawag ko sa kanya. "...Batok mo ang kakaratey-hin ko kapag hindi ka tumigil!"

Huminto naman ang luko at kamot ulo na lumapit sakin.

"Tagal kasi nila Keifer." Sabi nya.

"Naku! Wag ka ng umasa'ng maaga ang wala'ng hiya na yun. Dinaig pa nya principal sa oras ng pasok nya."

Nagkibit balikat lang si Ci-N. Sandali kong tinignan yung oras sa phone ko. Maaga pa naman at wala ding klase ngayon dahil may meeting daw mga teacher.

Aksidente akong napatingin sa rooftop ng main building. Ngayon ko lang na-realize kita'ng kita pala yun dito kahit medyo malayo.

At may tao...

Sino kaya yun? Nakatingin yata sya samin ni Ci-N. Sure ako'ng babae sya dahil naka-uniform ng pambabae.

"Kita mo yun?" Tanung ko habang naka-nguso sa rooftop.

"Hm?" Tinignan naman nya yung tinuro ko. "...Oo, bakit?"

"Wala lang... Natanung ko lang."

"Si Ella yan." Bored nya'ng sagot habang nagkukut-kot ng kung anu sa daliri nya.

"Si Ella? Panu mo naman nasabi?"

"Lagi nya'ng ginagawa yan... Kumakaway pa nga sya sakin dati."

Oo nga pala, naging magkaibigan din sila. Pero hindi ko lang maintindihan, kung bakit para'ng wala na lang kay Ci-N yung pinag-samahan nila.

"M-may nangyari bang hindi maganda sa inyo dati? Bakit hindi na kayo nagpapansinan?"

Sandali nya kong tinignan at bumalik sya sa ginagawa.

"May kasalanan sya sakin." Sabi nya at tumingin sa rooftop.

Andun pa rin si Ella at nakatingin samin, meron na sya'ng kasama ngayon at feeling ko si Aries yun.

"Anu yun?"

"Sinaktan ako ng mga classmate nya at wala man lang sya'ng ginawa. Humingi pa ko ng tulong sa kanya nun pero umiwas sya ng tingin." Paliwanag nya.

Ramdam ko yung lungkot sa boses nya. Mabigat siguro para kay Ci-N yun. Kaibigan nya yung hiningan nya ng tulong pero iniwasan lang sya.

"Nasundan pa yang kasalanan nya." Dagdag pa nya. "...Yung pinagbintangan ako'ng magnanakaw nung nakaraan."

Oo! Naalala ko yun. Si Imelda Maldita. Kala naman nya makakatagal sya. Buti nalang dumating ako nun kundi gulpi sarado na yung jowabels nya.

Ay nagulpi na pala...

"Oo.. Naaalala ko pa yun."

"Sya may pakana nun." Sabi ni Ci at yumuko.

WTF?!!!

"P-panu mo nalaman?"

"Kay Keifer." Halos pabulong nya'ng sagot.

Ang akala ko hindi nya alam o inalam pa kung sino may pakana nun. Alam kong may motto yun na pang-bangko kaya hindi na ko nagtataka kung panu nya nalaman. Pero bakit wala sya'ng sinabi sakin.

"Bakit wala kayo'ng ginawa?"

Kahit parang alam ko na yung sagot sa tanung ko. Hinayaan ko pa rin si Ci-N na magsalita.

"Ella yun eh... May tama pa si Keifer sa kanya nun."

Tama ako.

Asar! May kung anu'ng meron sa dibdib ko at nahihirapan ako'ng huminga. Kahit sinabi ni Keifer na ako na yung gusto nya, hindi ko pa rin maiwasan na hindi masaktan.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon