Hinahanap-hanap kita

Start from the beginning
                                    

At dahil nga gusto pa nilang makasama ang isa't-isa kahit magkasama naman sila sa showtime ay nanood naman sila ng movie. Pinanood naman nila ulit ang movie ni Vice na Girl, Boy, Bakla, Tomboy dahil natatawa pa din si Karylle at poging-pogi kay Peter (yung boy) habang si Vice naman ay sawang-sawa na sa movie na ito.

Nakaupo silang dalawa sa sofa at nakasandal naman ang ulo ni K sa balikat ni Vice at nakaakbay naman si Vice dito. Tawang-tawa pa rin si Karylle sa movie lalo na sa character ni Vice dun as girl at kilig na kilig naman ito dun sa boy. Kapag naman pinagtatawanan siya ni K sa character niyang girl ay nahihiya siya at pag halata naman niyang namumula si K kay Peter ay ngingisi ito at tutuksuhin si Karylle.

Nang nasa ending na ang movie ay taimtim pa din na pinapanood ni Karylle ito dahil dito na ang part na lalabas siya. Tinutukso naman ni Vice si K dahil sa pamumula nito.

"Oy kurba, mukha ka nang kamatis diyan ah. Crush na crush mo talaga ako." Panunkso ni Vice kay K.

"Nahiya naman ako sa'yo, Viceral! Tingnan lang natin pag lumabas na ako." Pagmamayabang pa ni Karylle.

Dumating na nga sa part na lumabas si Karylle at tawang-tawa ito at proud sa sarili dahil muli ay napanganga pa din si Vice kahit na ilang beses niya na itong napanood.

"Ano ka ngayon, Pogi? Hahahaha. Kailangan mo ba ng tissue? Tulo na laway mo dyan oh." Sabi ni Karylle habang hawak ang tyan nito sa sobrang kakatawa at ang isa namang kamay ay nakaturo pa kay Vice.

"Tie lang no! Sa pagkakaalam ko, kilig na kilig ka niyan kasi ang pogi ko." Pagmamayabang din ni Vice at hindi pinalahalata na talagang hanggang ngayon ay nganga siya sa kagandahan ni Karylle.

Niyakap naman ni Karylle si Vice sa gilid nito habang akbay pa rin siya ni Vice.

"Pogi, bukas nga pala hindi ako makakapasok ng ST ah? You know, pang Miss Universe din kagandahan ko kaya andun din ako sa event."

"Agree naman ako dyan, baby. Ganda mo kaya sobra. Gusto mo ba ako mag make-up sayo tomorrow?"

"Hahahaha. Sleep na tayo baby. May work ka pa tomorrow." Sabi ni Karylle na papikit na.

"Mamimiss kita baby." Sabi ni Vice at tiningnan ang magandang mukha ni Karylle.

"Huwag kang O.A. Mr. Viceral! Magkikita din naman tayo after ST mo."

"Hahahaha sige na goodnight na Mrs. Viceral! I love you." Hinalikan ni Vice ang buhok ni Karylle at pumikit.

"I love you too"

At natulog sila ng nagkayakap sa sofa at mahimbing na natulog.

Offcam (ViceRylle)Where stories live. Discover now