Chapter 1: Bertdey ni Mayla

1.3K 54 16
                                    

Chapter 1: Birthday ni Mayla (Part 1)

Mag aalas otso na ng gabi ng makarating sa Sehun sa kanilang lugar galing sa pangangalakal. In other words, pagbabakal bote.Natatanaw na nya ang mga kaibigang nakaupo sa lamesa at maingay na nagkekwentuhan sa harap ng bahay ni Chanyeol. Wala na syang nadatnan na tao sa bahay.

Maging ang kanyang asawa na si Jathmin este Jasmin ay wala na rin dun dahil malamang nauna nang magpunta sa tagal nya. May munting salu-salo sa tahanan ni Chanyeol dahil kaarawan ng butihing asawa na si Mayla.

"Nako! THET! Late na ko! Andun na thiguro thi Jathmin my labs"

Agad nyang ipinark (talagang park? Kotse lang ang peg?) ang kanyang kariton sa harap ng kanilang bahay at dali-daling umalis upang

pumunta sa venue ng munting salu-salo (venue? Thhhuuthyaaal!)

"Sehun! Andyan ka na pala!" Pagbati ni Chanyeol.

"Pathenthya na pre, antagal kathi nung nagkikilo dun tha junk shop. Nakakainitthh nga eh." sabi ni Sehun.

"Osya umupo ka na dyan sa tabi ni Kai para makakain ka na muna at saka matuloy na ang ating drinking sessions tutal kumpleto naman na tayo." Sabi naman ni Chanyeol at itinuro ang bakanteng upuan katabi ni Kai.

Sa loob ng tahanan ng pamilyang Park, naron ang mga may bahay at nagchichikahan, nagbobolahan, nagbabangayan,  etc. AY EWAN!

"Mayla! Nasan na yung chicken joy dito? Bakit nawawala?" Tanong ni Camille.

"Eh kinuha na ni Lay diba?" Pagdadahilan ni Mayla.

"ANO?! KINUHA NI LAY? EH PANGALAWA PALANG YUN EH. YUNG NAKAIN KO KANINA CHICKEN MCDO. GUSTO KO NAMAN YUNG CHICKEN JOY! NASAN NA BA YANG SI LAY?! YIXIIIIIIING! Hay nako litsi talaga!" pulang pula na ang mukha ni Camille at tagaktak na ang pawis sa kunsomisyon kay Lay. Lalabas na sana si Camille ng awatin ito nila Kaye, Erika, Abby, Gia, Jasmin at Lovelyn. (oo maraming umawat kasi baka magulpi si Lay ng wala sa oras)

"Hayaan mo na si Lay, Camille. Nagsasaya sila dun oh. Kala nya siguro walang may-ari dahil lahat tayo abala sa paghahanda at naiwan yung bucket ng chicken joy. May isa pa namang bucket ng pag-pag dito. Limang bucket yung naiuwi ni Chanyeol eh." Awat ni Mayla sa pumuputak nyang kaibigan.

At kumalma na si Camille at napabuntong hininga nalang ang iba pang housewives dahil sa muntik na maganap na tensyon sa pagitan ng mag-asawa dahil sa chicken joy ala pag-pag.

Bumalik naman tayo sa ating 12 gheis este guys nga pala.

"Pareng Chanyeol! Daming handa ah?" bati ni Suho na nilapag ang isang container ng tubig sa kanilang lamesa. Sponsor ni Suho ang tubig. Dahil yun ang pinagkukuhanan nya ng ikabubuhay. Hahaha XD

"Oo naman! Sympre birthday ni Maylabidabs dapat maraming handa! Hehe. Buti nga maaga kaming pinalabas sa construction site at yun, naka tyempo ng fresh pag-pag!" Sabi ni Chanyeol.

Abala naman ang ibang myembro sa paghahanda ng mga gagamitin para sa kanilang drinking sessions. "Kris, magtimpla ka na ng pomelo juice pang chaser natin." utos ni Baekhyun.

"Oo na eto na nga oh excited much?" sagot ni Kris habang hinahalo ang pomelo juice sa pitsel with his fvcking bitch face as usual.

Si Kai naman ay naglabas na ng mga baso (wala silang shot glass kaya baso nalang XD) dahil sila ang may pinakamaraming baso dahil sya rin ang may pinakamaraming anak. "Ayan na sagot ko na baso basta sagot nyo ang inumin at isa pa,isauli nyo ha! Magagalit si kumander Abby. Ayoko pa namang nagagalit sakin yun." Pagpapaliwanag ni Kai sa mga kaibigan.

EXO: We Are JUAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon