Chapter 33

6.3K 126 7
                                    

The Deal

I dressed myself into a black heeled-boots, jeans and trenchcoat samantalang si France ay nakajeans at trenchcoat din.

" Ma'am Sapph, nasa baba na ang susundo sainyo " ani Belinda.

Tumango ako at sinabayan na maglakad si France habang pababa kami. Naaninag ko agad na naghihintay sila Grandma at Helena saakin sa baba.

Agad tumakbo ni France kila Grandma.

" Granny! " he squealed sabay yakap sakanyang Lola.

Binuhat ni Grandma si France at hinalikan sa pisngi. " Ang sweet talaga ng gwapo kong apo! "

Ngumiti si Helena at hinalikan din sa pisngi si France. " Naku, madaming babae ang papaiyakin ng batang to' "

Ibinaba na ni Grandma si France.
" Oh siya, pumunta na kayo at baka nagagalit na si Theo "

Sumakay kami sa isang SUV, I bet personal driver ni Theo ang sumundo saamin, ang daming alalay ng lalakeng yun. Manhang-mangha si France habang tinitignan ang view ng NYC.

" Aw we goin to see Mickey mouse mommy? " Oo nga pala, Theo and France went to Hongkong Disneyland when I was away.

I ruffled his hair " We are going to see your Daddy"

Nagbukas na ang city lights kaya maganda nang maglakad-lakad. Pag sa Times Square madaming food houses pero madami rin ang tao, sobra.

Ibinaba kami sa bandang Central Park. Luminga-linga ako para makita kung nasaan si Theo habang si France ay walang tigil sa kakahila saakin papunta sa mga ilaw.

" Wait France, wala pa ang Daddy mo " pigil ko sakaya.

Kinakausap na namin si France ng tagalog dahil hindi magtatagal ay makilala niya ang mga relatives namin sa Pilipinas, 'cause FYI, nahaluan lang kami ng banyaga.

" Mommy, there's Daddy! " turo niya sa isang bench. I craned my neck to see if he's right, yeah, may kausap lang siya sa phone kaya marahil ay hindi niya kami nakita.

" Daddy Tyo! " ani France habang tumatakbo kay Theo, he reached for him at agad naman siyang sinalo ni Theo.

" Careful baby, you might fall " Theo said.

Nagpababa si France at agad pumunta sakin at hinila ang kamay ko.

" Mommy, hold! "

" Pahawak ka nalang kay Daddy baby, LQ kami " I heard him hissed.

" Galing kasi magtago ng sikreto" aniya at inirapan ako.

Aba! May pms ata tong' lalakeng to!
" Mommy plish " Hindi ko naman matanggihan ang anak ko.

Sa huli, pinagitnaan namin si France at hawak ang kanyang magkabilang kamay, he's all smiles, I can't disappoint him. " Daddy, swing! " bahagya namin siyang inangat at idinuyan.

Naglakad lakad kami sa Central Park, walang humpay sa pagtawa si France. This is our first night out as a family.

" You can start explaining, Sapphira " napatingin ako kay Theo na diretsong nakatingin sa daan.

Hopeless In New York ( Monterèal Series #1 Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon