Chapter 5

24.2K 523 14
                                    

Matapos ang araw na sinagot ko muli si Treyton ay tila ako ay nasa alapaap. Alam ko na may fiance na siya pero meron pa rin parte sa akin na hinding hindi ko siya bibitawan.

"So, break na muna ako. Ikaw sasabay ka ba?" Tanong ni Nina sa akin co-nurse ko dito sa clinic.

"Mamaya na lang siguro tapusin ko muna ginagawa ko." Nginitian ko si Nina at inabala muli ang aking sarili sa ginagawa. Narinig ko naman ang message tone ng phone ko.

From: Treyton

Just got woke up Babe! Miss you already 😘

Napangiti siya sa text mula kay Treyton. Kinikilig siya sa bawat morning messages na sinesend nito lagi sa kanya. Corny man sa iba kilig pa rin siya. Nireplyan niya si Treyton at tinago na muli ang phone.

Busy siya sa mga records na ginagawa niya ng tumunog ang chime sa pinto ng clinic. Namumukhaan niya kung sino ito. Ito lang naman ang hilaw na fiance ni Treyton.

"Good morning po. Ano po kailangan nila?" Tanong niya dito.

"Well, Ikaw pala si Sohaima." Tinignan siya nito from head to toe. Nakaramdam naman siya ng conciousness pero hindi niya kailangan ipakita ito dito. Kailangan niyang maging matapang kapag kaharap ito.

"I've never thought Treyton lower his standards. I thought he would date models like me or girls who are professionals on their own field hindi yung assistant lang. Now I know hindi ko na pala kailangan mainsecure." May pagtataray sa sabi nito pero hindi niya talaga hahayaan na insultuhin siya niyo lalo na ang trabaho niya.

"Kung wala ka ng sasabihin umalis ka na dito. We don't have room here for a bitch like you. Hindi ka child-friendly more on a witch kaya bago pa mag hysterical ang mga bata dito sa clinic better go." Nakita niya naman ang pagsingkit ng mga mata nito.

Kinuha nito ang gunting sa table at alam niya na isasaksak nito ito sa kanya pero bago pa nito ito gawin pinigilan niya ito. Pinipilit niyang kunin ang gunting sa kamay nito. Nagkarambol rambol na sila ni Marina sa sahig. Nakuha niya naman ang gunting at naitulak si Marina.

"Now! Go! Kung ayaw mong itarak ko itong gunting na ito sa pagmumukha mo." Inaksyon niya pa na itutusok talaga ang gunting dito. Mukha naman itong natakot pero ayaw patalo.

"I will let this for now but I make sure after this Treyton will marry me!" Umalis na ito at bahagya pa siyang dinali sa balikat. Huminga siya ng malalim at napasandal sa pader. That was close paano na lang kung naitusok talaga sa kanya yung gunting?

Muli niyang inabala ang kamyang sarili sa ginagawa at dumating na nga si Treyton.

"Babe!" Binati siya nito at hinalikan sa labi.

"Treyton." Niyapos niya ito ng mahigpit iniisip niya kung sasabihin ba niya dito ang nangyari.

"How's your day Babe?" Inhale. Exhale ito na sasabihin na talaga niya.

"Babe... Kanina pumunta dito si Marina." Lumuwag ang pagkakayakap sa kanya ni Treyton at hinarap siya.

"Anong ginawa niya sayo? Sinaktan ka ba niya?" Nagaalala na tanong nito sa kanya. Kinuwento na nga niya ang buong pangyayari dito at nakita niya naman ang galit sa mga mata nito.

"Don't worry So. Just Trust me. It will never happen again." Hinalikan siya ni Treyton sa noo. Nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi nito pero hindi niya pa rin maiwasan na magalala lalo pa sa sitwasyon nila ngayon.

Kamakailan kasi ay nagresearch siya tungkol sa pamilya ng mga Sans at hindi na siya nagulat na mayamannga ang mga ito. May-ari ang mga ito ng isang shipping company kilala din ang ama ni Marina bilang isang ruthless businessman. Nagaalala talaga siya lalo na kay Treyton paano na lang kung patuloy ito sa pakikipaglaban para sa relasyon namin?

Libidinous Series 3: Treyton Zarek FedorovTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon